MILEEZEN "Jude! Ano itong nabalitaan namin na may bisita ka raw kagabi sa condo mo?" Napailing na lang ako sa diretsong tanong na iyon ni Trisha. Nandito kami sa rooftop para magpahangin at i-review ang script na ibinigay sa amin kanina. Para mamayang practice ay medyo may idea na kami sa mga roles na gagampanan namin. Zach and I will play the role of the main characters' best friends. And unfortunately, a lovers, too. Tsk. Kasali rin ang ibang G5 members at Trisha sa mga supporting roles. And remember the deal between G5 and Arcel before their basketball game a month ago? True to Arcel's words, tumupad sila ng team niya sa naging kasunduan. Tutulong sila sa iba naming classmates sa paggawa ng mga costumes and props. Iyon ang pinagawa ni Xander dahil naisip niyang baka kulangin ng oras