MILLER When all my dreams come true, the one I want next to me is you. Only you. Gaya nga nang napag-usapan namin, kahit madaling araw pa lang, agad na akong dumiretso sa Santos Recording and Studio na katabi lang ng malaking bahay nila. Tulog pa raw si Erice dahil alas dos na ito nakauwi. "Kami na ang bahala kay Jude, Miller. Sasabihin na lang namin na kinukumusta mo siya," sabi ni Renz habang mga nakangisi sila nang nakakaloko. I just nodded in response. Kahit gusto kong sumama sa kanila para makita si Erice, pinigilan ko ang sarili ko. Alam kong makikita ko rin naman siya mamaya. Nang-inggit pa si Zachary nang magpadala siya ng picture kasama si Erice. And I couldn't help myself but smile while staring at the picture of her. At naramdaman ko na naman ang pamilyar na pagbilis ng t