ALEXIS "So, okay lang naman siguro na nandito ako, right?" noon lang naman ako napatingin kay Gelo mula sa masamang tingin ko kay Angela at kay Gino na kanina pa din magkausap ng masinsinan sa may harap namin. Seriously, Angela? Kanina lang, gustung-gusto mo akong halikan tapos ngayon, dumating lang yang lalaking yan, halos di na ako pansinin. Hindi pa man kami, binabalewala na agad ako. Naku ka, basted ka agad talaga sa akin! "Lexi?" tawag ulit sa akin ni Gelo nung hindi ako nagsalita. "Tor, wag kang umasa na kakausapin ka ni Alexis Keyla. Kung alam mo lang kung ano yung inistorbo nyo kanina." singit naman ni Klarisse habang kunwaring tinitingnan yung mga kuko nya. Painosente namang tumingin sa akin si Angelo. "Why? Nakaistorbo kami saan?" tanong nya sa akin. Seryoso sya? Hindi nya