ALEXIS "Are you sure kaya mong mag-isa dito ngayong gabi? Pwede naman kitang samahan, Ate. Hindi na lang papasok bukas. Or kahit sa afternoon classes na lang ako papasok." nag-aalalang tanong sa akin ni Yna habang nandito kami sa may pintuan ng condo. "Oo nga naman Lexi. Hayaan mo nang samahan ka ni Yna dito." sabi naman ni Kuya Milo. Ngumiti naman ako sa kanilang dalawa. "Okay lang talaga ako. And Yna, alam kong may long quiz kayo dun sa isang subject mo bukas ng umaga so hindi ka pwedeng umabsent. And hello, lagi naman akong mag-isa dito kaya wala kayong dapat ipag-alala no!" sabi ko pa sa kanila. "Iba noon. Iba ngayon. Alam kong nasaktan ka din dun sa nangyari kanina." seryosong sabi pa ni Yna. "Yeah. Hindi ko naman itatanggi yon pero kung iniisip nyo na baka may maisip akong gawi