ALEXIS "Aba bestfriend, mag-iisang taon nang nanlilgaw sa'yo yang si Angelo pero hanggang ngayon, nasa friendzone pa rin sya. Anone? Di ka pa rin nakakamove on dun sa isa? Masyado nang matagal ha. Hindi ganyan yung time frame nung nagmove on ka kay Gino na halos 8 years mong naging jowa. Ni hindi nga naging kayong dalawa ni Ange---" agad ko naman sinensyasan si Mayie na manahimik na lang. Ayoko pa rin kasing pinag-uusapan yung nangyari last year. Hanggang ngayon kasi, masakit pa rin kapag naaalala ko yung naging usapan namin noon sa Bataan. Ramdam ko pa rin kasi hanggang ngayon yung sakit na naramdaman ko nung araw na sinabi nya sa akin na kalimutan ko na lang kung ano yung nararamdaman ko para sa kanya dahil wala namang patutunguhan. Sana pala hindi ko na sinabi sa kanya. Sana hindi na