ORLY’S POV “NAKAKAHALATA na si Seraphine,” wika ni Ethan. Binuga niya ang huling hithit niya sa sigarilyo tapos ay yumuko siya at pinatay niya ito sa balat ng lalaking nakalupagi sa semento. “Aray!” sigaw ng lalaki. Ito ang isa sa mga lalaking humarang sa amin ni Seraphine kagabi. Kung hindi sumunod ang mga tauhan ni Orly ay baka pinaglalamayan na kaming dalawa ni Seraphine. Imbes na maawa si Ethan ay sinipa niya ito. “Hindi mo ba talaga sasabihin sa kanila kung sino ang nag-utos sa inyo?” Gigil na sabi ni Orly. “Maawa na kayo pakawalan n’yo ako. May anak akong sanggol.” Halos dugo na ang luha nito dahil bugbog na ang mukha nito. “Bibigyan ka namin ng pag-asang mabuhay kung sasabihin mo kung sino ang nag-utos sa iyo,” wika ni Ethan. “Papatayin nila ang pamilya ko kapag kumanta ako.”

