DRAKE’S POV NGUMITI ako nang makita ko ang sasakyan ni Steffie na palayo sa hideout ni Dylan. Bigla akong sinuntok at sinipa ni Dylan pero hindi ako lumaban. Pumutok ang labi ko at masakit ang katawan ko dahil sa patuloy na pambugbog sa akin ni Dylan. “Ano ka ngayon, Drake. Wala kang magawa ngayon kung hindi ang mamatay.” Sabay tawa ng malakas ni Dylan. Hindi ako kumibo sa halip ay nakalupagi ako sa sahig. Handa na akong mamatay ngayon dahil ligtas na ang anak ko at si Steffie. “Gusto kong makita ni Daddy kung paano ko papatayin ang paborito niyang anak.” Tumawa uli siya ng malakas. Tinawagan niya si Daddy at nakipag-video call siya rito. “Dylan, hayop kang bata ka! Anong ginagawa ko sa kapatid mo?!” narinig kong sabi ni Daddy. Inakapakan ako ni Dylan saka sinipa. “Gusto kong maki

