DRAKE’S POV “GROOM’S night mo na mamaya.” Nakangiting saad ni Steffie, habang nagluluto siya ng meryenda namin. Nasa bahay pa rin kami ng magulang niya pero kapag natapos ang kasal namin ay babalik na kami sa mansyon. Tumango ako. “Yes, ikaw mag-ingat ka sa bridal shower mo.” “Ayoko na ngang may bridal shower.” “Okay lang 'yon para maranasan mo ang ganyang party.” “Hmm.. ikaw, baka may babae kayong dadalhin doon. Kilala ko ang mga kaibigan mo mahilig sa babae.” “Hindi nga nila ako nakuha noong single ako, ngayon pa kayang may asawa na ako.” Nakataas pa ang kanang kilay niya. “Really?” Lumapit ako saka niyakap ko siya patalikod. “Hmm… ‘wag kang magalit. Gusto mo ba ‘wag na akong pumunta mamayang gabi?” “Hindi naman puwede na wala ka sa party, ikaw ang kailangan doon.” “Okay lang

