CHAPTER 28

1160 Words

"Hija? Anak? Okay ka lang ba?" Hindi ko alam kung pang-ilang beses na iyong itinanong ni Manang mula sa labas ng pintuan ko. Hindi ko man gusto na balewalain siya ay wala akong lakas na sumagot o magpakita kaninuman. Pakiramdam ko ay ang dumi-rumi ko. Oo, kasalanan ko na pinatulan ako ni Agustine, kasalanan ko ang nangyari sa aming dalawa. Pero hindi ko inakala na papasok ako sa isang sitwasyon kung saan magiging kabit ako. I wanted to blame him, but I know I'm at fault also. I didn't ask anything about his relationship status. Pagak akong natawa at sumandal sa gilid ng aking kama. Nakaupo ako sa sahig habang yakap ang sarili kong mga binti. Ang mga luha ko ay walang awat na tumutulo. Paulit-ulit kong ni-replay ang lahat sa utak ko. Mula noong nagkatagpo kami hanggang sa nangyari kanina.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD