It's been a week. Gano'n katagal akong hindi tinatawagan o tine-text ni Mr. Revelar. Hindi ko alam kung bakit pero ipinagpapasalamat ko na lamang iyon. After what happened that day, I don't think I can face him properly. Sa mga nagdaan na araw na iyon ay inintindi ko na lang ang pagde-design ng iba't ibang istilo ng silid para sa hotel bukod sa paminsan-minsang pagdalaw sa site. Ibinuhos ko ang panahon ko roon dahil wala rin naman akong ibang gagawin. Tulad sa Vista Querencia ay wala rin akong kaibigan na matatawag dito sa kumpanya. Walang barkada na makakadaldalan o grupo na kinabibilangan tulad ng iba kong nakikita. Hindi man masama ang tingin nila sa akin ay iwas pa rin sila na makasalamuha ako nang nalaman na anak ako ni Daddy. Puros trabaho lang ang inilalapit nila sakaling may kaila