Lumusong ulit ako sa tubig at nang umahon ako hindi na ako tumabi pa kay Kyle. Naupo ako sa sunlounger at uminom ng juice na dala ng maid kanina. Si Kyle na nagbabantay sa mga bata ay hindi naman mapakali sa kinauupuan sa gilid ng pool. Panay ang lingon nito sa akin. Hindi ko naman siya pinansin. Kapag hindi iyan makatiis lalapit siya sa akin. At pagkaraan ng ilang minuto lumapit nga siya. Pinulot niya ang baso na ininuman ko at doon siya uminom, making my face turn sour. "May ibang baso naman diyan," reklamo ko sa kaniya. "Gusto ko ito, e. Mas masarap ang flavor." Kinunot ko ang aking noo at tiningnan ang iba pang mga baso na may lamang juice. Parehas lang naman, e. Pinagloloko ako ng lalakeng 'to. Dahil doon nawala tuloy sa isip ko iyong plano kong gawin at sabihin kanina. Na