"Yes, Ma'am?" Napakurap ako nang marinig ko ang boses ng sekretarya. Nakapasok na ang mommy ni Kyle at si Freda sa loob ng opisina ng lalake. Ngumiti ako at umiling. "Namali po yata ako ng floor," nakangiwi kong sagot na may pakamot pa ng ulo para magmukhang totoo. Tumalikod na ako bago pa man makasagot ang sekretarya na kunot ang noo na nakatingin sa akin. Naghihintay ako sa elevator na magbukas nang bigkasin niya ang pangalan ko. "Miss Yonah?" "Ma'am, ma'am! Hintay po!" Hindi ako tumitingin sa babae. Hindi ako snabera sa mga fans, pero ngayon ayaw kong mamansin. Hindi naman ako nito magagawan ng issue dahil kapag ginawa niya malalagot siya kay Kyle. Iyon nga lang nakalapit na sa akin ang babae. "Pa-picture po, Miss Yonah! Super fan mo po ako. Gustong-gusto ko po ang mga