"Kumain ka na ba?" "I'm fine, Kuya Kyle. Gusto ko ng umuwi." Sumeryoso ang kaniyang mukha. He sighed and didn't talk again. Naghihintay sa sala sina Nanay at Ate pagdating namin. Mukhang napag-aalala ko sila kaya ngumiti ako upang mapawi ang anumang nararamdaman nila. "Aakyat na ako sa silid ko," paalam ko pagkatapos kong humalik kay Nanay. Sumunod si Ate sa akin sa taas. Hindi siya matatahimik hangga't hindi nalalaman kung ano ang nangyari. Even though I'm not yet ready to talk about it to anyone, I understand her. Ilang trauma at trahedya na ba ang pinagdaanan ng pamilyang 'to? Sobrang dami na, kaya kapag ganiyan na alam ni Ate na may problema ako, kinakausap niya ako. "What happened?" Nagpalit ako ng damit bago ako nahiga sa kama. Tinabihan din ako ni Ate. "Nakakapagod din