Nakipagpalit ng puwesto si Kyle kay Sunny, siya na ngayon ang nahiga sa may gilid, sa tabi ng bintana. Ako naman ay nanatili sa aking pwesto. Nasa gitna pa din ako ng dalawa. Si Freda naman ay nakaupo pa din sa gilid ng kutson. Ewan ko kung matutulog pa itoz dahil walang tigil ang malakas na kulog at kidlat. Maaawa pa sana ako sa kaniya kaso huwag na lang. Alangan naman na i-comfort namin siya ni Sunny. Payakap siya kay Kyle, kaso mukhang napikon sa kaniya ang lalake dahil sa mga pinagsasabi niya. Tumagilid ako at yumakap kay Sunny para magkasya kami sa kumot. Dalawa ang kumot namin kaso binigay na namin kay Kyle ang isa dahil malamig. "Goodnight, baby..." bulong ni Kyle sa aking likuran na hindi ko pinansin. Naiirita ako, kung hindi lang umuulan bababa ako ng bundok. Sinira ni