CHAPTER 16 Hindi alam ni Alex kung ano ang mararamdaman ng mga sandaling iyun ng makita ang hindi nakilalang binata na kasama ni Angela Joyce kaya't hindi niya alam kung anu ang susunod niyang gawin kung mananatili nga ba sa party o aalis na. " Sorry po mommy, daddy kung pinag-alala ko po kayo ng mahabang panahon. Patawarin n'yo po ako mommy, daddy." Sabi ng dalaga at akmang luluhod na sa paanan ng mga magulang pero maagap siyang pinigilan. " Huwag anak , huwag kang lumuhod anak dahil hindi kami Diyos para luhuran mo. Ang mahalaga ngayon ay ang pagbabalik mo dito sa piling namin ng daddy mo." may luha sa mata na sabi ni Lorie Joy. " Tama ang mommy mo anak at sana ngayon nandito ka na ay huwag mo na sanang balakin pa ang aalis." sang-ayun naman ni Darwin. Kambal! Magka