KABANATA 25: Note: Wala akong alam sa kasal (funny, right?). Iyong line ng pare ay nakuha ko lang sa Google. Bear with me! BUMUKAS ang malaking pinto ng simbahan. Wala sa sariling napangiti ako habang nakatingin sa mga nasa loob. Isang lalaki naman ang nag-aabang sa akin sa may unahan. Hindi magkamayaw itong puso ko dahil ang araw na ito ay importante sa aming dalawa. Dahan-dahan na akong naglakad. Habang naglalakad, iniisip ko ang masasayang memoryang aming ginawa. Mga memoryang hinding-hindi ko malilimutan at habang-buhay ko ng itatago sa aking kalooban. Humiling ako sa taas na magpakasal sa lalaking mahal ako... hindi nga ako nabigo dahil tinupad niya. Iyong lalaking naghihintay sa akin sa harap ng altar. Si Lash. Si Lash na halos ibigay ko na ang puso ko sa sobrang pagmahal sa kani