Chapter 8

2344 Words
Tinaasan ko siya ng kilay. Nakita ko sa peripheral vision ko si Jacob at alam kong nakikita niya kaming nag-uusap ngayon ni Nikolai. Tumawa si Nikolai at umiling, "Kailan pa? Kagabi lang? Ano na lang kapag sinaktan ka niyan?" taas kilay niyang tanong sa akin. Bahagya naman akong natawa dahil ano naman ang pakialam niya kung masaktan ako sa mga ginagawa ko ngayon? "Speaking of sinaktan, hindi ba ganoon din naman ang ginawa mo sa akin?" taas kilay kong tanong sa kaniya. Napalunok naman siya at napaiwas ng tingin kaya mas lalo akong napangisi pero itinago ko pa rin ang inis na nararamdaman ko para hindi iyon makita ni Jacob na naghihintay sa akin sa baba. "Don't worry about me Nikolai. Ako lang may karapatan mamili ng taong sasaktan ako," dagdag na sabi ko sa kaniya. Kunot noo naman siyang bumaling sa akin at nang magtama ang mga mata naming dalawa ay hindi ko mapigilang masaktan. "Kung may mali man akong napili sa buhay ko ay walang magiging iba kung hindi ikaw lang," muling sabi ko. Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya kaya lumihis ako para makadaan at makapunta na kay Jacob. Kinagat ko ang dila ko habang pababa at hindi ko mapigilang mapatanong sa sarili ko. Bakit parang sinasaksak na naman ang puso ko ngayon? Tama lang ba ang mga sinabi ko sa kaniya? "Hey," nakangiting bati sa akin ni Jacob nang tuluyan akong makababa. Napawi lang ang mga iniisip ko nang makita ko iyon kaya ngumiti rin ako sa kaniya. "Hi!" bati ko naman sa kaniya at pilit na ibinalik ang dating sigla kanina. "Ang ganda mo talaga," agad niyang puri sa akin. "May supermodel bang hindi maganda?" biro ko sa kaniya. "Oh my gosh! I love your chemistry!" natutuwang sabi naman ni Mommy nang makita kami. Natawa na lang ako ng bahagya nang inasar pa kami nila Daddy at Mommy. "Tita, Tito. I'll just borrow her for today," natatawang paalam ni Jacob. "Sure! Sure! Enjoy kayo ha?" tuwang-tuwa na sabi ni Mommy. "Jacob, please make my daughter happy," nakangiting bilin ni Daddy. "Of course yes, Tito. I will," sagot ni Jacob pagkatapos ay ipinakita na naman niya ang ngiti niya. Hindi na rin kami nagtagal pa roon kahit na inaasar pa kami nila Mommy at Daddy. Hinatid din nila kami sa labas at hindi pa rin sila matigil sa pagkatuwa dahil nakikita nilang maayos kami ni Jacob. Nang makapasok naman ako sa sasakyan ni Jacob ay hindi ko na naman napigilang maalala ang pag-uusap naming dalawa ni Nikolai kanina. Talaga pa lang may hinanakit pa rin ako sa kaniya. "Are you alright?" tanong ni Jacob nang makapasok siya sa sasakyan. Napalingon naman ako sa kaniya at umayos ng upo bago sumagot. "Oo naman," sagot ko at bahagyang natawa. "Ang aga pero mukha kang malungkot," sabi niya. Humugot naman ako ng malalim na hininga at ngumiti dahil ayokong makita niyang malungkot ako. Isa pa ay hindi naman talaga ako malungkot! "Don't worry. I'll make you happy today," agad niyang sabi pagkatapos ay ngumiti bago kumindat sa akin. Napangiwi naman ako at bahagyang napairap sa kaniya. Bolero! "Today lang?" pagbibiro ko habang nakataas ang isang kilay. "Of course everyday! Kung gusto mo araw-araw pa kitang pasayin," sabi niya at nang tinignan ko siya ay nakita ko pa rin ang nakangising labi niya. "Whatever," sabi ko sa kaniya at muling umirap. "Sure ka ayos ka lang ha? I saw you talking with your brother in law. Crush mo talaga siya 'no?" muling sabi niya at naghihinala na naman. Napailing na lang ako sa kaniya hanggang sa sinimulan na niyang i-start ang sasakyan niya. Hindi ko siya agad sinagot. Napatingin ako sa bintana at naisip na naman ang pinag-usapan namin kanina ni Nikolai. He used to be called my 'boyfriend' before, but now? He's my "brother-in-law". "I'm really okay Jacob and syempre brother-in-law ko siya. It's natural to talk with him at hindi ko siya gusto kaya pwede ba? Duh?" sunod-sunod na sabi ko sa kaniya dahil hindi talaga siya natitigil sa paghihinala sa akin na may gusto ako kay Nikolai. Natawa naman siya at napatango-tango kaya napabuntonghininga na lang ako at tumingin sa daanan. "I just want to make sure if you're really okay," muli siyang nagsalita. Napalingon naman ako sa kaniya at nakita kong seryoso lang siyang nakatingin sa daanan habang nagda-drive. "Okay nga lang ako at kung malungkot man ako ngayon ay sasabihin ko pa rin na okay lang ako," dire-diretsyong sagot ko sa kaniya. "Tss, why do we have to say we're okay even if it's not?" tanong niya at bahagyang tumingin sa akin. Natigil ako sa tanong niya dahil natamaan ako roon. Kahit naman talaga hindi ako okay ganoon ang sinasabi ko dahil ayoko talagang nakikita ng iba na mahina ako. "To hide the pain? To show everyone that you were strong even though it's really hurting inside," sagot ko at nagkibit ng balikat bago tipid na ngumiti. For me it's okay to hide your pain because sometimes the world is so cruel to the point it doesn't care about your pain. "Let's not talk about sad things today okay? Ang sabi mo pasasayahin mo ako ngayon kaya 'yon na lang ang gawin mo," dagdag na sabi ko dahil baka kung ano na naman ang itanong niya. Natawa naman siya at tumango kaya nakahinga na rin ako ng maluwag. "Fine, fine." Natatawang sabi niya. Natatili lang akong tahimik at hinayaan siyang mag-drive. Hindi ko alam kung saan kami pupunta at hindi na rin ako nagtanong para naman ma-surprise ako kung saan niya ako dadalhin. Nagtaka naman ako nang pumasok kami sa isang pamilyar na lugar at nagulat ako nang na sa cemetery kami. Anong ginagawa namin dito? "What are we doing here?" nagtatakang tanong ko sa kaniya dahil hindi ko inaasahan na sa ganito niya ako dadalhin. "Basta may ipapakilala muna ako sa'yo," sabi niya at agad na bumaba ng sasakyan pagkatapos ay pinagbuksan din ako. Pagkababa ko sa sasakyan ay hinila na niya ako para makaalis doon kaya wala na akong nagawa kung hindi sumunod sa kaniya hanggang sa nakarating kami sa isang puntod. Napanganga naman ako nang makita ang pangalan doon. Lunaria Khate Nicolas Umupo si Jacob at nagsindi ng kandila. Gusto kong mapairap sa kawalan pero pinigilan ko na lang ang sarili ko. Bakit niya pa ako sinama rito? Mage-emote naman pala siya at dinamay pa talaga ako! "Aria," sabi ni Jacob kaya bahagya akong lumapit sa kaniya. "Why?" tanong ko sa kaniya. Natawa siya at nilingon ako kaya kunot noo akong tumingin sa kaniya bago maupo sa tabi niya. "Not you," natatawang sabi niya. "Oh," napatikom ako sa bibig ko at bahagyang napasampal doon. Oo nga pala at parehas kami ng nickname ng ex niya! Gosh! Stupid Aria! Akala ko ay Luna ang tawag niya sa kaniya kaya hindi ko na napigilan ang sarili na mapairap sa kaniya. "Luna, this is Aria. Siya ang ipinagkasundo sa akin nila Dad," biglang sabi niya at bahagya akong nagulat dahil ipinapakilala niya talaga ako roon. Akalain mo nga yun noh? Parehas pa kayo ng pangalan, siguro siya ang pinadala mo para hindi kita makalimutan?" dagdag na sabi niya at bahagyang natawa pero muling ipinagpatuloy ang pagsasalita. Pinagmasdan mo siya at kita ko ang sinseridad sa mukha niya habang nagsasalita siya. Halatang nagpipigil siya ng luha dahil sa paglunok niya. Why am I hurting too? "Pero huwag kang mag-alala ha? Dahil kung magmamahal man ako ng iba, hindi pa rin kita kakalimutan," malungkot na sabi niya. Napakagat ako sa labi ko dahil nasasaktan ako sa hindi ko alam na dahilan. Alam kong sobrang sakit no'n para sa kaniya kahit na sabihin pa naming ilang taon na ang lumipas. Hindi ko naman napigilang maalala na naman si Nikolai. Ganiyan din kaya ang nararamdaman niya para sa akin? Na kahit may mahal na siyang iba hinding-hindi niya ako makakalimutan? I want to laugh at myself, stupid question again Aria! Malamang dahil nakatira kayo sa iisang bubong at lagi kayong nagkikita roon, lalo na at nasa Pilipinas ka ngayon! Pero kung ako rin naman ang tatanungin hindi ko rin siya makakalimutan dahil siya nga ang first love ko. Wow, stupid love! "You know what? Kapag tinatawag ko siyang Aria, nasasaktan ako at nagiging masaya ako," patuloy niya sa pagsasalita. Nag-iwas ako sandali ng tingin pero muli rin akong napalingon sa kaniya. Hinahangin ang buhok ko at humaharang iyon sa muka ko. Hindi ko alam ang gagawin ko at nagdadalawang isip kung patitigilin ko na ba siya sa pag e-emote dahil nasasaktan din ako para sa kaniya. Para bang nasanay ako kaagad sa kaniya na masiyahin kaya nahihirapan akong makita siyang malungkot ngayon. How can we both work if we still can't get over from our past? Paanong magmamahal ang dalawang tao kung parehas silang hindi pa tapos magmahal sa kanilang nakaraan? "Sorry, it's been a long time since I visited you here. Gusto ko lang magpaalam sa'yo at ipakilala ka," sabi ni Jacob pagkatapos ay tumingin sa akin habang nakangiti. Tumango naman ako dahil ayos lang sa akin. Kung ako ang nasa posisyon niya ay ganoon rin ang gagawin ko. Nakaalis na kami at pupunta kami ngayon sa mall para mag-shopping dahil sinabi kong kaonti lang ang dala kong mga damit nang umuwi ako rito sa Pilipinas. Doon na lang rin kami kakain ng lunch pagkatapos manood ng Cine dahil maaga pa naman din. "What do I look?" tanong ko sa kaniya at bahagyang umikot para makita niya ang suot ko. Namimili na ako ng mga damit ngayon at siya ang tinatanong ko kung bagay ba sa akin ang mga napipili ko. Nakailang store na rin kami at alam kong kanina pa siya bagot dahil kanina pa kami paikot-ikot at ang mga sales ladies ay halos hindi maalis ang mga mata sa kaniya. Hindi ko rin naman masisisi ang mga 'yon dahil gwapo naman talaga si Jacob. "You look perfect," sagot niya. Hindi ko naman napigilang mapairap na naman dahil halos lahat naman yata nang mapili ko ay gusto niya at bagay daw sa akin. Maliban lang doon sa masyadong revealing, pinagtatalunan pa naming dalawa 'yon kanina pero wala siyang magawa dahil gusto ko iyon. Alas dose na nang matapos ako sa pamimili. Binilhan ko rin ng mga pasalubong si baby Caleb katulad ng mga laruan at di-remote na kotse na pwede siyang sumakay. Mabuti na lang malaki ang sasakyan ni Jacob kaya nagkasya sa sasakyan niya ang mga pinamili ko. Inilagay kasi muna namin doon bago kumain para walang masyadong bitbit at makagalaw kami ng maayos. Sa korean restaurant kami kumain dahil matagal-tagal na rin akong hindi nakakakain doon. Isang buwan pa naman bago ang trabaho ko kaya pwede akong kumain ng marami ngayon. Isa pa ay wala naman dito ang manager ko na magbabawal sa akin sa mga kakainin ko. "Be careful what you are eating Aria, last night you gave me a mini heart attack," paalala niya at umiling bago tinignan ang in-order ko. "Ariana. You can call me Ariana. Don't worry walang nuts ang mga 'yan," sabi ko sa kaniya at ipinakita ng maigi sa kaniya ang pagkain ko. "Ariana?" kunot noong tanong niya. Ngumiti ako sa kaniya dahil naalala ko ang sinabi niya kanina na kapag tinatawag niya akong Aria ay nasasaktan siya dahil naaalala niya ang pagkawala ng ex niya. "But why? Hindi ba masyadong mahaba ang Ariana?" nagtatakang tanong niya at bahagyang natawa. "Because you are hurting when you calling me that name," sagot ko at nagkibit ng balikat. Sinimulan ko ng lantakan ang mga pagkain na inorder ko, nang nakita niya akong kumain ay tsaka pa lang siya kumain pero hindi parin natatanggal ang tingin niya sa akin. "Okay, mas gusto ko ang Kourtney." Tinaas niya ang dalawa niyang kilay at ngumiti ulit. Natawa kaming parehas, natutuwa talaga ako kapag ngumingiti siya at tumatawa dahil nagpapakita ang malalim niyang dimples sa kanang pisngi. Nang matapos kaming kumain ay nagpunta na kami kaagad sa Cine, hindi namin alam kung ano ang palabas pero mas pinili ko ang Romantic na palabas. Alas dose na nang matapos ako sa pamimili. Binilhan ko rin ng mga pasalubong si baby Caleb katulad ng mga laruan at di-remote na kotse na pwede siyang sumakay. Mabuti na lang malaki ang sasakyan ni Jacob kaya nagkasya sa sasakyan niya ang mga pinamili ko. Inilagay kasi muna namin doon bago kumain para walang masyadong bitbit at makagalaw kami ng maayos. Sa korean restaurant kami kumain dahil matagal-tagal na rin akong hindi nakakakain doon. Isang buwan pa naman bago ang trabaho ko kaya pwede akong kumain ng marami ngayon. Isa pa ay wala naman dito ang manager ko na magbabawal sa akin sa mga kakainin ko. "Be careful what you are eating Aria, last night you gave me a mini heart attack," paalala niya at umiling bago tinignan ang in-order ko. "Ariana. You can call me Ariana. Don't worry walang nuts ang mga 'yan," sabi ko sa kaniya at ipinakita ng maigi sa kaniya ang pagkain ko. "Ariana?" kunot noong tanong niya. Ngumiti ako sa kaniya dahil naalala ko ang sinabi niya kanina na kapag tinatawag niya akong Aria ay nasasaktan siya dahil naaalala niya ang pagkawala ng ex niya. "But why? Hindi ba masyadong mahaba ang Ariana?" nagtatakang tanong niya at bahagyang natawa. "Because you are hurting when you calling me that name," sagot ko at nagkibit ng balikat. Sinimulan ko nang lantakan ang mga pagkain na in-order ko. Nang nakita niya akong kumain ay tsaka pa lang siya kumain pero hindi pa rin nakakawala sa akin ang mga tingin niya. "Nope. I'm gonna call you, Aria." Sabi niya at nagkibiy ng balikat sa akin kaya napairap na lang ako sa kaniya. Natawa kaming parehas. Natutuwa talaga ako kapag ngumingiti siya at tumatawa dahil nagpapakita iyon ng malalim niyang dimples sa kanang pisngi niya. Nang matapos kaming kumain ay nagpunta na kami kaagad sa Cine. Sa una ay nagtagal pa kami dahil hindi namin alam kung ano ang palabas na panonoorin namin pero sa huli ay mas pinili ko ang romantic movie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD