bc

Love Poison

book_age12+
11
FOLLOW
1K
READ
twisted
male lead
campus
first love
secrets
school
slice of life
like
intro-logo
Blurb

What is the real meaning of love?

Is it when you love someone secretly?

Or it is when you love someone who loves you back?

Or maybe... It is when you love someone who can't love you back?

This is the story of the three girls who fell in love with one boy. And the boy who was being cornered in a difficult situation of love.

And what will happen if they discover his dark secret?

I'm Syrojj DelFin, and I have a dark secret.

chap-preview
Free preview
GLENDA : 1
'GLENDA' Hayst, naubos na naman ang oras ko sa pagbabasa ng isang nobela sa wattpad mula sa isang sikat na writer. Mamaya mag-iisip na naman ako kung anong kwento ang babasahin ko at pagpupuyatan. Ano nga ba ang bago doon? Eh halos ganon na naman ang routine ko araw-araw. Wala namang bago. 'Ting!' 'Ting!' Ayan na ang alarm kong na unahan ko pa magising sa sobrang excited mabasa ang sunod na kabanata ng nobelang katatapos ko lang basahin. Pinatay ko na ito at umupo sa aking higaan. Nakakapagtaka lang na sa lahat ng nobelang nababasa ko lagi na lamang sa tunog ng alarm clock nagsisimula ang lahat. Ano ba ang kasalanan ng alarm clock? At anong mahika ba ang mayroon sa alarm clock at doon nagmumula ang mga love story na pang fairy tail ang kwento? Minsan naiisip ko na rin gawin ang bagay na iyon dahil baka sakaling maging daan ang bagay na iyon upang makita, makabangga at mabully ako ng prince charming ko na hanggang ngayon ay hindi pa rin mapansin-pansin ang nararamdaman ko sa kanya. Hay, ewan. Mag-iisang buwan na simula ng maging classmate ko siya pero mukhang manhid ang isang ito at hindi man lang makaramdam. Tumayo na ako at naligo. Nagbihis at nag-ayos. Sa bawat minutong dumaraan ay mas lalong lumalawak ang aking ngiti. Hindi ko na alam kung ilang beses na ba akong tumingin sa alarm clock ko na nasa tabi ng aking kama. Isang minuto na lamang at mag-aala-siyete na ng umaga. Umupo ako sa kama at kinuha ang aking cellphone sa ilalim ng unan. Nakangiti kong binantayan ang aking cellphone at alarm clock. Para akong tanga na todo ngiti habang nakatingin sa aking cellphone at alarm clock. Nang sumapit na ang ala-siyete ng umaga ay mas lumawak na ang ngiti ko. Tunog na lamang ng aking cellphone ang hinihintay ko at tatalon na talaga ako sa sobrang tuwa. 'Tenenenenen..' "Yes!" Binuksan ko ang aking cellphone at binasa ang mensaheng kararating lamang. Mula kay Syrojj at wala ng iba pa. Kulang na lamang ay mapunit ang aking mukha sa sobrang ngiti ko. "Kyyaaaaaaaaa!!" Sigaw ko at nagtatalon ng mabasa ang mensahe niya. 'Good Morning :-*' Hindi ko na alam kung saan ko pa ilalagay ang kilig na nararamdaman ko. Sa tingin ko ay mababaliw na ako dahil sa mensaheng natanggap ko mula sa kanya. Simpleng pagbati lang iyon pero iba ang dating sa akin. Feeling ko buong-buo na ang araw ko. Araw-araw simula ng maging close kami ay pinapadalhan na niya ako ng mensahe. Araw-araw at wala pang palya. Sa ilang beses niyang pag papadala ng mensahe ay ganon at ganon pa rin ang nararamdaman ko. Walang bago. Kinikilig pa rin talaga ako. Agad akong nagtipa ng mensahe at sinend ito. 'Good morning Mr. Friendly', panunukso ko. Nagsimula iyan noong may makaaway siya na lalake. Nilalandi raw kasi ni Syrojj ang haliparot niyang girlfriend. Talaga ba? Sa mukha ng girlfriend niya. Eh hindi naman kaagaw-agaw. Tapos ang naging sagot niya sa lalake. 'Hindi ko siya nilalandi. Friendly lang ako at kaibigan lang ang turing ko sa girlfriend mo.' Kaya ayun, simula noon ay tinatawag ko na siyang `Mr. Friendly` bilang pang-aasar. Lagi naman akong nagwawagi at ibabalik niya sa akin ang pang-aasar. Mas masarap nga lang siya asarin sa personal. Makikita mo kasi talaga yung mukha niya kung gaano siya kaganda ngumiti at kung gaano ka-cute ang paglitaw ng dimple niya sa kanang pisngi. Although hindi naman talaga siya naaasar, natutuwa lang talaga ako pagnakikita ko siyang nakangiti. 'Kumain ka na lang, tabs. Kulang ka lang sa kain. Hahaha' At ang ending, ako pa ang maaasar. Hindi naman ako ganon kataba ah?! Malaki lang talaga ang braso ko pero sexy ako noh! 'Tabs mo mukha mo! Kumain ka na rin!', sagot ko at saka lumabas ng kwarto. Nagtungo ako sa kusina at tulad dati ay nakahanda na ang pagkain sa mesa. Maagang umaalis si papa dahil may trabaho pa siya. Si mama naman ay maaga rin umaalis upang ihatid sa eskwela ang nakababata kong kapatid na limang taong gulang. Inihanda ko na ang aking pagkain at saka ako umupo. Narinig ko ang muling pagtunog ng cellphone ko kaya agad ko itong kinuha at binasa ang text ni Syrojj. 'Asar na ang tabs ko hehehe sorry na po. Kain ka ng marami ah. Tapos bilisan mo na rin diyan dahil mali-late na tayo hahaha' Sino ba naman ang hindi kikiligin sa ganyan diba? 'tabs ko' at 'sorry na po' na pawang hindi naman akma sabihin sa isang kaibigan o kakilala. Ayoko talagang lagyan ng label ang turingan naming dalawa. Ayoko kasing hanggang kaibigan lang kaya hangga't maaari ay ayoko makipagkaibigan. Okay na sa akin yung classmate at ka-close. 'Che! Tigil-tigilan mo ako, Mister.', sagot ko at saka muling kumain. Inubos ko na ang pagkain ko at saka ako nag-toothbrush. Nang matapos na ang lahat ng gawain ko ay kinuha ko na ang aking bag at lumabas na ako ng bahay. Ni-lock ko ang pinto at saka ako nagsimulang maglakad. Tanaw ko na ang pigura ng isang lalake di kalayuan sa akin. Sa tindig, ayos at pananamit ay sigurado akong siya na ito. Hindi ako pupwedeng magkamali dahil alam ko ang bawat sulok ng pagkatao at katawan niya. Malabo man ang mata ko, alam ko na si Syrojj ito. Nagmadali na akong maglakad upang makarating agad sa kinaroroonan niya. Mag ka-village kami at lagi kaming sabay na pumapasok. Laking pasasalamat ko na rin iyon dahil araw-araw ay kasabay ko siyang pumasok at umuwi. "Sabi na nga ba ikaw iyan eh," wika ko nang makalapit sa kinaroroonan niya. "Tss, ako lang naman ang naghihintay sayo dito. Wala naman ng iba," sagot niya na inirapan ko lang. Nginitian niya lang ako at saka inakbayan. Nilingon ko ang kamay niyang nasa balikat ko. Feeling ko ay pulang-pula na ako at anytime ay sasabog na sa sobrang kilig. 'Ano ka ba, teh! Di ka pa na sanay!', bulong ng isang maliit na tinig. "Bakit kasi hindi ka pa magsuot ng salamin? Ang labo-labo na ng mata mo ah. Ni hindi mo na nga makita ang isinusulat sa glass board di'ba?" tanong niya nang magsimula kaming maglakad. 'Hindi ako nagsasalamin dahil sayo!' Gusto ko iyang isagot pero natatakot ako na baka maghinala siya. "A-Ayoko muna. Baka kasi lalong lumabo ang mata ko kapag nagsuot na ako ng salamin," pagsisinungaling ko. Sa totoo lang ay mayroon akong salamin. Pero simula ng makilala ko siya ay hindi na ako nagsuot muli. Ayokong makita niya ako bilang isang nerd na hindi marunong mag-ayos. Pag nagkataon ay siguradong hindi niya na ako papansinin at mawawalan na ako ng pag-asang magkatuluyan kami. 'Okay lang manlabo ang mata ko. H`wag lang malayo sa tabi mo.'

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
97.6K
bc

His Obsession

read
74.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook