Zandrick’s POV “Please, let me handle this problem, Andrea at wala ka nang ibang gagawin pa kung hindi ang magtiwala sa akin.” ang huling salitang binitawan ko bago ito tuluyan nang nanahimik. Hindi ko na rin siya binalingan pa ng tingin at tanging magagawa ko na lang ay ang magmaneho na lang nang diretso patungo sa lugar kung saan alam kong ligtas siya. They’re taking their moves. Sa puntong ito ay seryoso na ang lahat. Alam kong isa sa mga tauhan ng kalaban ang lalaking gustong dumukot kay Andrea kanina. I can’t let that happen to her. Kung inaakala nilang madali lang nilang makuha ang gusto nila ay nagkakamali sila. Kung makukuha man nila si Andrea ay dadaan muna sila sa butas ng karayom. Hindi nila sasaktan si Andrea at mas lalong hindi nila magagawa ang kung ano man ang