The house feels so empty on the next day. Walang maingay. Walang magulo. At nakakapagtakang hinahanap ko ang mga bagay na ito. Sa unang pagkakataon ay hinahanap ko ang ingay na unti-unting nakasanayan nitong mga nakaraang araw. Kaya lang ay alam ko sa sarili ko na ako rin ang dahilan kung bakit nawala ito. “I don’t want to eat! I want my Mommy Astrid!” Kabababa ko pa lang sa hagdan ay naririnig ko na ang boses ni Seraphina na nanggagaling mula sa dining area. Napabuntong-hininga ako at napailing bago nagpatuloy sa paglalakad. “Ayoko nga po, Nanay! Bakit po ang kulit mo rin?” Naabutan ko na itinutulak niya palayo ang plato habang si Nanay Josephine naman ay nasa tabi niya at hindi alam kung paano susuyuin ang aking anak. “Kaunti lang, Sera. Magugutom ka niyan sa school.” Kinuha ni