“Who is he, hmm?” Nagsitaasan ang balahibo mula sa aking binti pataas hanggang sa aking batok nang tumama ang mainit na hininga niya sa aking leeg kasabay nang pagdampi ng kanyang malambot na labi sa aking panga. “A-ano ba, P-Phoenix? M-move a little b-bit…” Mahina ko siyang siniko sa tagiliran nang maramdaman ko ang kamay niya na nagsisimula na ring humaplos sa aking bewang. “Lumayo-layo ka kaya. N-natatapon ‘yong t-tubig…” Pati ang aking boses ay nanginig na waring sumasabay sa panginginig ng aking kamay na may hawak na pitsel. Babahagya nang sumakto sa baso ang paglalagay ko ng tubig dahil sa kanya. Medyo malalim na ang gabi noong makaramdam ako ng uhaw. Pinatulog ko muna ang dalawang bata na parehong napagod sa pamamasyal namin kanina kaya ngayon ay mahimbing na ang tulog. Sama