“O-ooyyy! S-sandali, pati ‘yong barricade—oh god! Ako na lang kaya ang mag-drive?!” Napahawak ako sa kanyang braso noong akala ko ay mahahagip ng sasakyan ‘yong barikada sa gilid. Ramdam ko ang matipuno at matigas na braso niya na hanggang ngayon ay tensyonado pa rin. Ang mainit na singaw na ibinubuga ng kanyang katawan ay halos gumapang sa aking kamay patungo sa bawat himaymay ng aking katawan, at nagdulot iyon ng kakaibang kiliti kaya mabilis ko ring tinanggal. “Hindi na ako magtataka kung mamaya lang ay padadalhan ka ng sulat sa mga nilabag mong traffic rules!” Kung ako ang magbibigay ng lisensya sa kanya ay hindi ko siya bibigyan kapag ganito siyang magmaneho. Kanina ay si Jordan ang muntik na niyang masagasaan, tapos ‘yong dalawang aso, tapos ngayon naman… Napailing na lang ako a