“What happened, dad? Mukha pong buhat mo ang universe!” Nakagat ko ang labi at pigil na pigil ko ang pagtawa nang marinig iyon mula kay Sera. Alas otso na ng gabi kaya nandito na kami sa hapag-kainan para kumain. Nasa magkabilang tabi ko sina Skye at Sera para pareho ko silang maaasikaso. Habang si Phoenix naman ay nasa kabisera. Ang iba naming mga kasamahan ay nauna nang kumain. Ang sabi ni Phoenix ay kahit anong oras naman ay pwedeng kumain ang kahit na sino at walang limitasyon kung ano ang laman ng kusina. Bahagya akong nag-angat ng ulo para sulyapan si Phoenix at sapat na ang sinabi ni Sera para ilarawan ang itsura niya ngayon. His lips were formed into thin line, eyebrows were creased and he looks like he is really not in the mood to talk. Mahigpit ang hawak niya sa kutsara at ti