Chapter 3

1055 Words
Tumayo akong mag-isa at pinagpag ang pwet ko. “Mukha ba akong mananakit? Wag masyadong masungit. Ang ganda mo pa naman, tatanda agad ang hitsura mo.” Nakangiti nitong sabi. Hindi ko maiwasang hindi siya kilatisin. Simple lang ang suot nito ngunit ang lakas ng appeal. Naka T-shirt ito na itim at medyo fitted ito kaya kitang-kita ang pagbakat ng fit niyang dibdib at biceps. Naka-khaki shorts lang din ito at flipflops na puti. Halatang hindi pabaya sa sarili. Mukha itong fresh na bagong ligo at amoy mint. “Done checking me out?” Nabalik ako sa reyalidad nang mapagtanto ang sinabi niya. “Excuse me? Mukha bang tinitignan kita?” Inis kong tanong. “Base sa pagtaas-baba ng mata mo sa katawan ko, sigurado akong nakatitig ka sa akin.” Ang presko pa ng pagkakasabi niya. Walang alinlangan na mababakas sa tono ng kanyang boses na siya ay lalaking-lalaki. “May pagkahambog ka rin, ‘no?” “Bakit hindi na lang kaya ako magpakilala, diba? Ako si Lance.” Ngumiti ito at iniabot ang kamay sa akin. Nagtataka ako sa kilos niya. Ang weird ng response niya sa akin. Dapat masungitan siya at umalis pero baligtad pa ang nangyari. Tumingin lang ako sa kamay niya. Gusto kong abutin ito pero mas minabuti kong huwag na lang. Pero hindi ko maikakaila na tempting hawakan ang kamay niyang may lawit na mga ugat. Napagpasyahan kong tumingin na lang sa kanya. “Alena.” “What a sexy name.” Hindi pa rin mawala-wala ang ngiti niya. He has this sexy aura na tingin pa lang ay hindi ka na talaga makakatanggi na isa siyang matipunong lalaki. At isa siyang danger alert para sa akin. “Pwede ko na bang ituloy ang pamimili ko?” “Samahan na kita. Wala kasi akong kasama.” He is obviously hitting on me. “Paano kung ayoko?” “Sasamahan lang naman. May masama ba doon? Ano bang mga bibilhin mo? Para mas maganda, bibilhin ko rin ang bibilhin mo.” “Hindi ka naman ganon kakulit, ano?” Sarkastiko kong sambit. “Medyo lang naman. Pero hindi yan uubra sakin. Tara na, sayang ang oras. Mukhang magluluto ka pa kasi ng lunch.” Naisip ko na wala naman mawawala kung sasabay siya sakin. Sakto naman na kailangan ko rin ng mapaglilibangan kahit sandaling oras lang.” “Sige, kung ano man iyang trip mo.” Nagsimula na akong magstroll muli at nasakto naman na sa family planning na aisle kami napunta. Napadaan kami sa mga condoms at halos mamula ang pisngi ko dahil nakita niyang nakatingin ako sa mga iyon. Lumapit si Lance doon at ngumisi sa akin nang kunin niya ang large size na strawberry flavored condom. Nakaipit iyon sa kanyang hintuturo at middle finger. “Baka gusto mo?” Ani Lance na may halong kalokohan sa kanyang boses. Tumawa ito pagkatapos niyang makita ang nakakunot kong noo dahil sa sinabi niya. Nagulat na lang ako nang ilagay niya iyon sa cart niya. Ganon siya kalaki? “Hindi ka ba makapaniwala? Well, that’s life. There are things bigger than what you expect them to be. As you see, malaki akong tao. Kaya malaki rin ang—“ “H-hindi ko tinatanong.” Umiwas ako ng tingin. Matangkad si Lance kumpara sa akin. Nasa five feet, four inches lang ang height ko samantalang siya ay mukhang six feet tall. Nangangawit ang batok ko kapag nakatingala ako sa kanya. Medyo magulo ang kanyang dark brown na buhok na akala mo ay prinsipe sa isang kaharian. “Hindi mo tinatanong pero gusto mong malaman kaya sinabi ko.” Saad niya. “Wala akong gustong malaman, wag kang assuming.” “Talaga ba?” “Talagang-talaga.” Kumpirma ko. “Okay. At least, nalaman mo pa din. Wala naman mawawala, diba?” Kinindatan niya ako. “Alam mo, kung sisirain mo lang ang araw ko, mas mabuti pang mag-iba na tayo ng landas.” Aalis na sana ako nang hilahin niya ako sa pulso. Ramdam ko ang firm ng kanyang pagkakahawak sa akin. “Sandali lang.” binitiwan niya ang kamay ko at lumingon sa katabing aisle ng family planning aisle. General supplies ang nakalagay doon. Kumuha siya ng ballpen at sticky note na maliit. Nagsulat siya doon at ibinigay sakin ang buong sticky note. “Number ko. Call me whenever you want. Gusto ko lang makipagkilala. Yun ay kung gusto mo lang. No pressure. See you around.” Pagkasabi non ay nag-stroll na siya palayo. Napatitig na lang ako sa papel na hawak ko. Hindi ko alam kung natuwa ako na binigay niya sa akin ang number niya. May hidden excitement akong naramdaman sa gesture na ginawa niya. Huminga na lang ako ng malalim. Mas dapat kong pagtuunan ng pansin ang pamimili ko kaysa sa isipin ko ang estranghero na yon. Matapos kong mamili ay inayos ko sa pantry ang mga pinamili ko. Bumili na lang rin ako ng pizza dahil tinamad na akong magluto at late na rin. Umupo ako sa sofa sa sala habang hawak ang slice ng pizza. Binuksan ko ang tv para manood ng holywood movie sa netflix. Sa panonood ko, pilit na lumilitaw sa isip ko si Lance. Hindi ko rin alam kung tama bang sinave ko sa phone ko ang number niya. I must admit, he is cool at mukhang adventurous type of person. Sakto namang bumungad ang pangalan ni Katie sa screen ng phone ko. Sinagot ko agad ang tawag niya. “Hello, Katie.” “Baks! Free ka ba this weekend?” “Oo bakit?” Ibinaba ko muna ang hawak kong slice ng pizza sa box nito na nasa mesa sa tapat ko. “Aalis kasi kami ni Brenn. Mag-out of town kami. Baka gusto mong sumama? Papayagan ka kaya ng asawa mo?” Kinagat ko ang labi ko. “Magte-text na lang ako sa kanya. Sigurado namang walang panahon iyon sakin dahil sa business niya.” “Basta, ayoko lang na mag-away kayo lalo. Gusto ko lang na okay kang makasama.” Mahal na mahal ko talaga itong kaibigan ko. Napangiti ako dahil ayaw niya lang akong mapahamak. “Ako nang bahala. Sasama ako.” “Oh, sige. See you on Saturday, baks. Sunduin ka na lang namin ni Brenn.” Pagkasabi niya no’n ay binaba na niya ang tawag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD