(Haylee) PAPALABAS ako sa gate ng school dahil may transaksyon sana ako doon sa tindahan sa labas kaya lang naglalakad pa lang ako sa pasilyo ay natatanaw ko na ang isang lalaking napakapamilyar sa akin na nakatayo roon sa waiting shed sa tabi ng gate. Bahagya akong nagulat at natigilan. Si Dominic! Anong ginagawa niya rito?! Madali ko siyang tinungo. Prenteng nakatanaw lang siya sa akin habang nakapamulsa at ngingiti-ngiti. Anong ginagawa niya rito at bakit pinuntahan mismo niya ako?! Dito pa talaga sa loob ng campus ng paaralang pinagtatrabahuhan ko! “Dominic!” “Haylee…” magiliw pa niyang sambit sa pangalan ko. Nang makalapit sa kanya ay agaran ko siyang hinawakan sa kanyang braso at hindi ko mapigilang magalit. Ano na lang ang iisipin ng mga tao at ng mga estudyante rito kapag naki