Chapter 4: New Boss

1666 Words
“YEAH, sure.” Ngumiti si Halina pero hindi man lang umabot sa mata niya. Naroon din ang pagkasarkastiko ng boses niya. Nang makaupo ang mga ito ay tumayo naman siya. “Saan ka pupunta, Halina? Aalis ka na?” tanong ni Seth sa kanya nang tumayo siya. “Comfort room. Wanna join?” in her sarcastic voice, kaya napalunok si Seth. “N-no.” Ngumiti siya rito, sabay kuha ng clutch bag. Hindi na siya babalik. Hindi niya kailangang ibaba ang sarili para sa mga ito. Saka hindi kaya ng sikmura niya makipag plastikan sa mga ito. “Where are you going?” tanong ng kapatid nang makasalubong niya. “Uuwi, malamang.” “What? Hindi ka ba makiki-join sa amin?” “Seriously, Kalei? Alam mo ang past namin tapos ise-set up mo kaming tatlo? Kapatid ba talaga turing mo sa akin o hindi?” “I’m doing this for you, Halina. I want my sister back…” Napatitig siya sa kapatid. “Lagi tayong nagbabangayan noon pero I love it. ‘Yon ang love language natin. Pero nitong nagdaang mga taon? I don’t like it. Kahit sila Mommy at Daddy, hindi nila nagugustuhan ang bagong ikaw…” Lalo siyang hindi nakaimik. “I was thinking na baka makatulong ang pakikipagbati mo sa kanila para matapos na itong pagpapahirap mo sa sarili mo… Ang dami nang nadadamay.” Napataas siya ng kilay. Baka nakaratong na rito ang pagtanggal niya sa staff niya. Humakbang siya palapit sa kapatid kaya napaatras ito. Dinuro niya ang dibdib nito. “Ikaw kaya ang nasa kalagayan ko, Kalei? Ikaw kaya ang magkagusto sa babaeng hindi ka naman gusto? Huh? Anong mararamdaman mo?” “Move on. Ganoon ang gagawin ko, Halina.” Natawa siya nang pagak. “Wow. Madaling sabihin dahil hindi mo naman kasi mahal. Madaling mag-move on dahil hindi naman ganoon kalalim ang pagmamahal mo. Eh, sa akin? Huh?” Hindi rin nakaimik ang kapatid kaya sinamantala niyang magsalita ulit. “Para sa kaalaman mo, ilang taon ko siyang hinubog sa puso’t isipan ko. Kaya talagang malalim ang dinulot no’n sa akin, Kalei. Kaya ‘wag mo akong diktahan sa kung anong gusto kong gawin sa sarili ko sa kasalukuyan. They deserved my treatment, my dear brother, kung alam mo lang…” Sabay talikod kay Kalei. Parang may bumabayo sa dibdib niya habang sinasabi iyon. Indeed, malalim talaga kasi ang dinulot no’n sa kanya. Kung may babalikan man siyang pangyayari sa nakaraan niya, iyon ang unang makita niya ito. Kasi doon nagsimulang mahumaling kay Goddy. Imbes na business related course ang kukunin niya, hindi na lang. Tinatak niya rin sa isipan niya na si Goddy ang mapapangasawa niya— ang magiging ama ng mga anak niya. Hindi naman na siya bata noon. Nasa tamang edad na. Kaya mahirap kalimutan. Saka ang masakit pa sa kanya, laman siya lagi ng mga nagkukumpulan. Kesyo head-over heels siya kay Goddy, kaso ang gusto nito, ang kaibigan niyang si Pia umano. Araw-araw niyang naririnig ‘yan. Meron pa. Hindi lang iyon, napapagbintangan siya lagi ni Goddy kapag may hidwaan ito at si Pia. Lalapitan lang siya nito minsan para komprontahin, at paulit-ulit na sasabihin nito na si Pia ang mahal nito. Kaya paano siya makakalimot? Mabilis ang mga hakbang ni Halina palabas ng bar. Inunahan pa niya ang babaeng pumara sa taxi, sumakay siya agad. “Bastos ka, Miss!” ani ng babae. Binalingan niya ito at tinaasan lang ng kilay, saka sinabihan ang driver na umalis na. Sa condo niya siya dumeretso. Naiinis siya sa kapatid kaya ayaw niyang makita ito. Para malibang ay sa opisina niya siya tumutok. Mahal niya ang ginagawa kaya masaya siya. Of course, sarili niya lang ang nakakaalam. Kasi ang alam lang ng mga tauhan niya, hindi siya masaya sa ginagawa dahil sa pagiging moody niya. Makalipas ang dalawang linggo, nangyari na nga ang pagpapalit ng kanilang empleyado. Kaya naman pinatutukan niya kay Fanny, lalo na sa design team nila. Lahat-lahat. Sabi niya nga, hangga’t maari, ayaw niyang papalit-palit ng tauhan dahil magsisimula na naman sila sa simula. Tumango siya kay Fanny nang sabihin nitong nilapag na nito ang kape niya. Nakatayo siya noon at nakaharap sa pader na gawa sa salamin. Mula sa kinatatayuan niya ay kita ang siyudad. Mga sasakyang nagkanda ipit na sa traffic. “Baba lang po ako, Miss Halina. Pumasok na kasi ang mga galing sa kabila.” “Okay,” aniya. Tinungo niya ang mesa at naupo na. Sumipsip muna siya ng kape bago tiningnan ang mga printed materials na gagamitin sa bagong disenyo nila. May finish product na rin iyon. Nasa showroom lang nila. Pero ang binigay sa kanya ngayon ay mockup lang muna. Sunod niyang tiningnan ang mga costing ng materials at kung magkano ba ang dapat na ipepresyo no’n. May mga suggested price na rin at computation kung magkano ang kikitain. Pagkatapos na harapin iyon ay tsinek niya ang schedule niya. Walang nakalagay sa calendar niya kaya nagtaka siya. Himala. Madalas na may appointment siya kapag Monday.ntment siya nito. Lumabas siyaia para tanungin si Fanny. Pero paglabas niya, wala ito roon. Kaya naman tinungo niya ang design team nila. “Fanny, wala ba akong appoint—” Hindi na niya natuloy ang sasabihin nang mapagsino ang kausap ng secretary. Of all people, ito pa ang bago niyang Illsutrator? Why? Sinasadya ba ito ni Kalei? Gusto ba nitong maunsumi siya buong taon? Ang tagal kaya ng one year! “What are you doing here?” masungit na tanong ni Halina. *** MAAGANG gumising is Goddy nang araw na iyon. Ito ang unang araw niya sa nilipatan niya. Saka kailangan niyang asikasuhin ang pagkain ng bunsong kapatid. May magbabantay naman dito pero mas gusto niyang siya ang magluto. Para sa kapatid na lang niya ang time ng magbabantay. Pakatapos na maihanda ay naligo na siya at nagbihis na siya. Dumating na rin ang magbabantay sa kapatid. “Morning. Alis na si Kuya. Pakabait ka kay Ate, huh?” Kasalukuyang kumakain ang kapatid, sinusubuan ng bantay nito. Tumingin lang ito sa kanya at binalik ang tingin sa pinapanood. Hinalikan na lang niya ito sa noo at tumingin sa nagbabantay saka binilinan. Sinulyapan niya ulit ang kapatid bago pumasok sa silid para kunin ang bag. Pero hindi niya maiwasang malungkot para sa kapatid. Pakiramdam niya, nawalan siya ng kapatid pagkatapos ng aksidente nito. Pinagsisisihan niyang hindi agad nakauwi nang gabing iyon. Kaya heto, after ng work, pinipilit niyang makauwi talaga agad para mabantayan ito. Nag-book lang siya ng moto taxi para marating agad ang pagtatrabahuhan. Medyo malayo kumpara sa dati, iikot pa siya kaya talagang hindi applicable sa kanya ang sumakay ng jeep. At least sa mga motorcycle, nakakasingit sila kahit saan-saan. Ten minutes before eight, nakapag time in na siya. Agad niyang tinungo ang design team ng A&K Couture. Dahil hindi pa niya alam ang mesa niya ay hinintay niya ang mag-a-assist sa kaniya. Tatlo kasi silang nalipat dito at wala pang makakapagsabi kung saan sila. Hindi naman na kailangan ng interview dahil galing sila sa mother company ng A&K. Gaya sa main, may Monday din pala ang meeting dito kaya iyon muna ang unang ginawa niya— ang makinig. At tatlumpung minuto rin ang itinagal no’n bago pumunta ang executive secretary mag-a-assist sa kanila. “Um, Goddy Vásquez, right?” anito sa kanya. “Yes, ma’am.” Tumango-tango ito sa kanya. “Okay. Ihahatid kita sa table mo.” Sumunod na siya rito. Ang dalawa niyang kasamahan ay ina-assisst din ng isang staff ng A&K, sa tingin niya assistant din nito. “Ikaw pala ang kapalitan ni Jai kaya ikaw ang tututukan ko. Kasi si HH ang makaktrabaho mo madalas. I hope na open ang ears mo para sa mga Do’s and Don’ts ni Ma’am. Mahalaga ito dahil dito nakasalalay ang career mo. Alright?” “Open naman po, Ma’am. May notebook din ako para sa mga mahahalagag bagay.” Sabay taas ng maliit na notebook. “Very good.” Nagpatiuna na ito sa kanya. Huminto ito sa isang pintuan, na sa tingin niya ay opisina. “Wow!” aniya sa sarili. Mabuti pa dito, may sarili siyang opisina pala. Pumasok din siya sa opisinang iyon. Hindi man ganoon kalaki pero ang linis at an ganda ng space na iyon. Saka salamin ang wall kaya kita ang labas. “This is your office, Mr. Vásquez. Everything you requested ay naka-install na. Kung may ibang ire-request ka, just call Irma. She’s my assistant kaya direct siya sa akin kaya maaaksyunan agad ang mga request mo.” May tinuro ito sa kanya na babaeng kasalukuyang namimigay ng papel sa labas. “I will. Thank you, Miss Fanny.” “Welcome. Anyway, mamayang gabi, may dinner kayo together with HH. Sana makadalo kayo para maging comfortable ang pagtatrabaho niyo rito.” “Sige po.” Tawagan na lang niya ang bantay ng kapatid siguro na male-late siya nang uwi. “Good. Basta sumunod lang sa mga rules, I’m sure, tatagal kayo. Mabait naman si Ma’am. Basta ‘wag lang kokontrahin. Okay?” Tumango-tango si Goddy sa secretary ng boss nila rito. After na mai-tour siya nito ay bumalik sila sa table niya. May mga binilin din itong dapat niyang unahin. Actually, nasabi na iyon ng papalitan niya sa email. Pero maigi na itong inalam niya mula kay Miss Fanny ang priority. Sabay silang napatingin ni Miss Fanny sa pintuan nang marinig ang pagtawag ng babae kay Miss Fanny. “H-Halina,” nauutal niyang sambit nang marinig itong nagsalita ulit. Siniko siya ni Fanny. “Si HH ‘yan,” pabulong nitong sabi. “Oh, sorry po.” Yumuko siya rito. “I-isa po ako sa employee na pina—” “I suggest you go back to the main office. You’re not needed here,” walang buhay na sabi nito habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. Bigla ring tumalikod ito sa kanila. “Fanny, sa office ko nga.” Halata ang kaseryosohan nito kaya sumunod din agad ang secretary nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD