Mhina "Mr. Jonnel Arreza is Lucia's biological father," ani Daemon sa kanila. Nangunot ang noo ni Mayor Lino, at tila inaalala ang pangalang binanggit ng asawa ko. "Jonnel Arreza?" aniya. "Yes, Mayor," sagot ni Daemon. "Ayon kay Dandan, ex-boyfriend siya ni Lucinda. Dati siyang nagtatrabaho sa bar sa Bulacan. But he's been living in Australia for the past 4 years, staying with his late father's family. He's now a multi-billionaire—the rightful heir of Arreza Construction & Development Corporation, which he has personally led for four years." Bumadhang bigla ang gulat sa kanilang mga mukha. Nagkatinginan silang mag-asawa at mukhang hindi inaasahan ang sinabing 'yon ni Daemon. Alam ko naman na sinadyang sabihin iyon ni Daemon para malaman nila kung sino ang taong sinayang nila noon. Ala

