Kabanata 27

1159 Words
Kabanata 27 Ngunit bago paman siya makaabot sa office ni Doctor Samuel ay nakasalubong na niya ito sa hallway. "Zy!? You're back with that outfit," anito pa habang sinisipat ang kanyang kabuuan. She smiled awkwardly. "Sam, I really need to do this," aniya pa na agad din naman na ikinakunot ng noo nito. "About what?" She handed her resignation letter. Nang mabasa nito ang laman ay agad nitong ibinalik sa kanya ang papel. "No Zy. I won't accept this. And please, wear your uniform," anito at nilagpasan siya. Mabilis din naman niya itong hinabol. "No, Sam. I'm quitting! Please just accept my resignation letter." "Tungkol ba ito sa namatay nating pasyente noong nakaraan Zy? Normal lang na mangyari iyon dahil hindi naman natin hawak buhay nila. I can only give you more days to leave but not quitting." "No Sam. You don't understand me. This is not about my job. This is something else. Please!" "No Zy," matigas na wika nito. Ngunit mas matigas yata ang bungo niya. Inisuksok niya ang papel sa bulsa ng uniform nito. "I'm quitting! That's final!" aniya pa at agad na umalis sa harapan nito. Napatakbo siya palabas ng hospital. Dali-dali siyang pumara ng taxi at nagpahatid sa Sasa seaport. Habang nasa biyahe ay nag-iwan siya ng long email sa kanyang Daddy Clayd. She explains about quitting at her job temporarily and even tell her parents that she wanted a vacation. Nag-text din siya kay Apple na ito muna ang bahala sa apartment niya at kung sakali mang umuwi ito ng Bukidnon ay iwan na lang ang susi sa kanyang landlord. Nasa Sasa seaport na siya nang mag-reply si Apple at kinakamusta ang kalagayan niya. She then replied back, telling she was fine and absolutely fantastic. Nang makababa siya ng taxi ay agad siyang nagbayad sa entrance para makasakay ng barge ngunit paniguradong matatagalan siya kaya nagtawag na siya ng bangkerong kakadaong lamang. Nilapitan niya agad ang matandang nagtatali ng lubid sa may pantalan. "Manong, puwede ko ba kayong rentahan?" "Ay ma'am, kakadaong ko lang po at hindi na ako tatawid sa isla." Nakagat niya ang kanyang labi. Now she wanted to hysterical. "Please Manong, magbabayad po ako kahit magkano, hatid niyo lang po ako ng Talikud." "Po? Talikud po? Nako ma'am. Ang layo no'n at hanggang alas tres lang ang biyahe papunta doon. Hindi po talaga puwede." Gusto niya nang maiyak. Baka hindi niya abutan si Zane. "Please Manong, ang asawa ko po kasi," pagdadahilan niya at wala sa sariling napaiyak. Oo, nagdadrama siya at baka sakaling, maawa ang matandang bangkero sa kanya. But that what she feel, talaga kanina niya pa gustong umiyak. Napakamot naman ito sa ulo. "Sige na nga ho ma'am," anito pa at muling tinanggal ang lubid na kanina ay tinali pa nito. Agad niyang pinahiran ang kanyang basang pisngi. Napasulyap siya sa kanyang suot na relo. Ala-una na nang hapon at himalang hindi man lang siya nakaramdam ng gutom. Actually, kanina pa siya umaga walang kain dahil sa biglaang pag-alis niya. "Manong, may nagbebenta bang pagkain doon?" turo niya pa sa kabilang isla, ang Samal. "Oo ma'am, gusto nito po bang bumili? Idadaan po kita doon," anito pa. Masigla naman siyang napatango at inalalayan na siya nitong makasakay sa bangka. Hindi basta ordinaryo ang bangkang sinasakyan niya ngayon. It is for tourists passenger pick up boat. NANG makadaong sila sa isla ng Samal, ay saglit siyang bumaba at bumili ng makakain sa mga naglalako. Pagkatapos ay agad din naman siyang bumalik sa bangka. THE trip is very long for her. She's eating her food while her eyes were mesmerized by the blue ocean. Papaikot sila sa isla at malakas ang alon. Minsan ay napapaurong din ang bangkang sinasakyan niya dahil sumasabay ito sa lakas ng alon. "Ma'am, hihinto po tayo sa Aloro. May maliit na bangka po na puwede niyong sakyan doon. Hindi na po kasi ako puwede lumapit pa doon dahil masisira po ang mga corals. Matatamaan ko na po kasi." "Sige po," sang-ayon niya na lamang dahil wala naman siyang idea sa lugar. Who would have thought na may malapit lang pala na magandang isla dito sa Davao City? Jeez! She's missing a beautiful creation of mighty heaven! ONE hour and a half hours nang marating nila ang Aloro and she have to travel again for around sixty to eighty minutes just to get at Talikud Island. Sumenyas pa ito sa paparating na maliit na bangka. "Ma'am, lipat po kayo doon," turo niya pa sa maliit na bangka. "Thank you Manong," aniya at agad na humugot ng limang libo piso. "Ma'am, masiyado na po itong malaki." Agad siyang umiling. "Pinakyaw ko po kayo at pinilit kaya pasasalamat ko na din po iyan. Salamat po talaga! Hulog kayo ng langit!" aniya pa. Nahihiya namang napangiti ang matanda. "Pre! Asa na siya paingon?" sigaw no'ng isang bangkero. "Talikud bay! Pakyawon lang ka!" sagot naman ni Manong. Dahan-dahan naman na lumapit ang isang maliit na bangka at inalalayan naman siya ng matanda na makalipat sa kabilang bangka. "Thank you po ulit!" aniya. Matamis lamang siyang nginitian ng matanda. Umarangkada na ang sinasakyan niyang bangka at tuluyan na nga silang umikot pa. Nakagat niya ang kanyang labi. She can clearly see the corals below! Jeez! Snorkeling is the best for this fantastic island! At habang papalapit na sila sa isla ay doon niya nakita ang ilang beach resorts. May ilan din silang kasabay na bangka, sakay nito ay mga turistang gaya niya. Almost midway nang bigla namang kumulog at kumidlat ng malakas. Oh no! "Huwag po kayo matakot ma'am. Madalas po talaga umuulan tuwing hapon. Lalo na kapag masiyadong mainit sa umaga." "Okay lang po," sagot niya dahil ganoon din nga ang napapansin niya. Well, what to expect? They're facing the Pacific Ocean and the monsoon is always changing. "Ma'am? Saan po ba banda kayo bababa?" biglang tanong ng bangkero. "Sa pinakahuling may karatola po ng Private Property?" alanganin niya pang sagot. "Hayon po ma'am," turo nito sa sa isang signage. Halos lumundag ang puso niya sa tuwa nang makita sa hindi kalayuan ang beach house ng lalaki. Napapadasal pa siya na sana hindi pa ito nakakaalis. Ilang metro na lang ang layo nila nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Oh mighty heaven is teasing her. Humugot siya agad ng pera sa kanyang bulsa at nagbayad ulit ng limang libo. "Ma'am, malakas po ulan, hindi na po ako dadaong," imporma ng bangkero. "Okay na po dito," aniya pa at agad na bumaba sa bangka. Ang tubig ay hanggang hita niya na. "Salamat po!" sigaw niya at agad na humakbang para makaahon. Agad din namang umalis ang bangkang sinakyan niya. Jeez! The water were cascading on her body from the rain makes her want to shivers. Sobrang basang-basa niya na. Mabuti na lang at nakalagay sa loob ng plastic bag ang kanyang cellphone at ilan pang gamit na hindi puwedeng mabasa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD