Chapter 4

3078 Words
TATLONG beses kumatok sa pinto ng bahay nila Marco si Hannah bago may nag-abalang pagbuksan siya. Ganoon na lang ang pagtahip ng dibdib niya nang mabungaran si Marcos na siyang nagbukas sa pinto. Hubad baro ito at tanging itim na brief ang suot pan-ibaba. Ngayon lang niya napansin ang pagbabago sa katawan nito. Lalo itong kumisig at naging maskulado. Lumilitaw na ang malalaking ugat sa braso nito. “Hi!” kaswal na bati nito habang tinitipid ang ngiti. Ang mga mata nito ay nagpapaalala sa kanya sa kanyang pagkukulang. Parang sinisingil siya nito. Though Marcos didn’t show how mad he is, she could read it in his eyes. “Ahm, g-good morning…” matamlay na bati niya. Tuluyan nitong binuksan ang pinto saka siya binigyang daan upang makapasok. Pumasok naman siya kuyod ang kanyang maleta. “So, dito ka na ba ulit titira?” tanong nito pagkasara sa pinto. Hinarap niya ito. Nagulat siya nang mamalayang may dalawang dangkal na lamang ang pagitan nito sa kanya. Umatras siya ng isang hakbang. She felt anxious when she smell his manly scent. It suddenly triggered her hidden emotions and about to build a sensual sensation. What the heck is that? “Yap. Your mom told me that you need a tutor,” she casually answered. Lalo siyang naging uneasy nang matiim na tumitig sa kanya ang binata. “Uhm, wala akong talent sa tutorial pero susubukan ko sakaling may maitulong ako sa ‘yo.” “Good,” he just said in a husky voice. Inagaw nito sa kamay niya ang kanyang maleta saka ito pumanhik sa ikalawang palapag kung saan ang kuwartong dati niyang inuukupa. Naninibago siya sa kabahayan. Magmula kasi noong umalis si Marcos ay hindi na siya ulit pumunta roon. Na-miss niya ang pamilyar na ambiance ng paligid. Maraming kagamitang nabago pero ganoon pa rin ang aura ng bahay na medyo madilim dahil sa blonde na kulay ng dingding. Ayaw kasi ni Macro ng maliwanag na paligid kaya ganoon ang kulay. Parang palaging gabi. Sinundan na niya si Marcos sa kaniyang kuwarto. Magkatabi sila ng kuwarto. Pagpasok niya ay nadatnan niyang nakahilata sa kama niya si Marcos. Namangha siya. Malinis na ang kuwarto at nakaayos lahat na gamit. Mukhang kapapalit lang ng kurtina sa bintana. Bago rin ang kobrekama, mga unan at kumot. “I know you missed this room. Even you didn’t agree to my request, I’m excitedly to prepare this room for you. Inayos ko lahat para maging komportable ka. I assumed already that you would not ignore me this time,” he said seriously. May kung anong malamig na hanging humaplos sa puso ng dalaga. Pero alam niya’ng may mabigat na emosyon sa puso ni Marcos na hindi nito kayang palabasin. He can’t show her what exactly he felt for her. His madness hides in his sweet words but she still felt the bitterness in the back of his calm voice. Lumuklok siya sa paanan nito. Nasabik siyang hilutin ang mga paa nito, bagay na madalas niyang gawin noon. Walang kibo si Marcos. Nang ipaglandas niya ang kanyang kamay sa hita nito ay bigla itong umupo at iniwaksi ang kamay niya. Napamata siya habang nakatitig sa seryoso nitong mukha. “Huwag kang magkunwari na parang ngayon lang ang noon. Hindi na ako ang batang puwede mong hipuin kahit saang parte ng katawan ko. Kapag ipinilit mong gawin iyon, baka mag-init ako,” seryoso pero kalmado ang tinig na sabi nito. Napalunok siya. Dapat ngang huwag na niyang ipilit na tratuhin itong parang bata. He’s a big boy now. Mamaya ay bigla nitong pinisil ang magkabilang pisngi niya. “Aray!” daing niya. “I want hot seafood soup and roast chicken. Can’t you cook those for me huh, Hannah?” anito pagkabitiw sa pisngi niya. “Oo na, magluluto ako.” “Let’s go!” Nagpatiuna na itong lumabas. Pagdating sa kusina ay inilabas kaagad nito ang buong karne ng manok na hindi pa masyadong tumigas sa yelo. Kompleto ang mga kailangan niyang sangkap para sa seafood soup at roast chicken. May lemon soda na hindi malamig, iyon ang pinagbabad niya sa manok na nilamas niya sa asin, tanglad, paminta at kung anu-ano pang pampalasa. Si Marcos naman ang naghihiwa ng laman ng talangka, hipon at tahong. Para iyon sa seafood soup na gagawin niya. Namangha siya, hindi pa rin nito nakakalimutan ang pagkain na madalas niyang lutuin para rito. “Hindi ako nakakakain ng masasarap doon sa academy. Palaging sariwang karne ang kinakain ko. Noong unang araw ko, hindi ako kumain, hindi rin ako natulog. Wala akong makausap. Walang kuwenta ang mga robot naming guro. Malungkot doon,” kaswal na kuwento nito. Inuusig na naman siya ng kaniyang konsiyensiya. Marcos trying to express how terrible his experiences are but he was able to release the exact emotions accompanied by those difficulties. Leslie was right, the academy didn’t help to enhance Marcos's emotional aspects, instead, he just learned how to hide or misuse his emotions, which is not good. Nang sa tingin niya’y sumiksik na ang mga sangkap sa karne ng manok ay ipinasok na niya ito sa pinainit niyang oven. Hinayaan niyang maluto ang manok. Inasikaso naman niya ang sangkap para sa seafood soup. Nagpakulo na siya ng tubig sa kaserola. Marcos hates oily foods. She makes sure that the chicken fats will drain while roasting. The lemon grass helps to remove the unpleasant odor of the meat and helps to lessen the cholesterol in it. She didn’t put any oil on the meat because the meat itself produces its own oil that gives natural moisture to the try part and prevents it from burning while draining the existing fats. “Bakit hindi mo ako dinalaw, Hannah?” mamaya ay usig ni Marcos. Napilitan siyang tingnan ito. Nakatayo ito sa tapat niya, habang nakapagitan sa kanila ang mesa kung saan siya naghihiwa ng mga sangkap para sa lulutuin niya. Pagkakataon na niya iyon upang magpaliwanag. “Baka kasi hindi ka makapag-focus sa pag-aaral kapag naroon ako. Isa pa, sabi ng daddy mo, mahigpit ang academy, bawal makita ng kaanak ang estudyante kapag naroon na ito sa loob ng individual class room,” paliwanag niya. Naningkit ang mga mata ng binata. “You don’t even call me, katulad ng ginawa nila daddy. Nakausap ko sila through the phone. Kaya alam ko na hindi ka talaga nagpunta roon,” may hinanakit sa tinig na sabi nito. “Sorry. Ayaw kong malaman ang sitwasyon mo kaya hindi ako pumunta,” aniya. “Why?” “Kasi−nasasaktan ako.” Pumiyak siya roon. Bigla na lamang kasi nagpuyos ang kanyang damdmain. She didn’t expect this. “Kasi baka kapag narinig ko ang boses mo ay lalo lang kitang mami-miss.” Pinigil niya ang kanyang emosyon. Napipinto na kasing tumulo ang luha niya. Tinalikuran niya ito nang makitang kumukulo na ang tubig sa kaserola. Inihulog na niya ang mga herbs and spices para magkalasa ang sabaw. Pagkuwa’y inihulog na rin niya sa sabaw ang mga ginayat ni Marcos na seafood. She milt a small amount of the corn flour to the bowl and add to the soap. Palalaputin nito nang bahagya ang sabaw. Hinintay na lang niya itong kumulo ulit bago hahanguin. Pagkaluto sa seafood soup ay nagsalin kaagad niyon si Marcos sa mangkok nito at hindi nahintay lumamig nang kaunti bago hinigop. Palibhasa sanay ang katawan nito sa mainit na temparatura kaya balewala ang init ng sabaw. Pagkaubos nito sa sabaw ay tagaktak na ang pawis nito. Sumandok ulit ito ng sabaw saka bumalik sa silya nito. “Matagal pa ba ang manok, Hannah?” inip na tanong nito. “Heto na!” Hinango na niya ang kalulutong roast chicken. Inilagay niya ito sa malaking chopping board saka hiniwa sa apat na bahagi. Ang dalawang pinaghiwalay na hita ay inilagay niya sa plato saka ibinigay kay Marcos. Sabik na nilantakan kaagad ni Marcos ang manok. Parang isang liggong nagutuman si kolafu. Hindi kain ang ginagawa nito kundi lamon. Hiningi pa nito ang natirang letchon. Habang ayaw itong paawat sa pagsubo, inihanda na lang niya ang lulutuin niya para sa almusal ng mga magulang nito at kapatid. “Ano nga pala ang pangalan ng kapatid mo, Marcos?” tanong niya sa binata nang maalala ang kapatid nito. “Magnus,” sagot nito. “Ang weird. Bakit Magnus?” “Kinuha raw sa second name ng lolo ko ang pangalan.” “Sinong lolo mo?” “Ang totoong tatay ni mommy. Si lolo ay nasa loob ng katawan ni mommy, iisa sila kaya gusto ni mommy na mabuhay ang alaala ni lolo sa pamamagitan ni Magnus. Incubated baby din si Magnus, pero idinaan siya sa normal na proseso. After nine months niya sa incubator ay inilabas na siya. Normal siyang baby noong inilabas. Hindi ko naabutan iyon dahil naroon ako sa academy sa Germany. Naikuwento lang sa akin ni daddy. Kaya siguro naging busy sila dahil dumating si Magnus.” “Nagseselos ka ba kay Magnus?” usig niya. Hindi sumagot si Marcos. Nagpatuloy lang ito sa pagsubo. Ipinagpatuloy na lamang niya ang pagluluto. Narinig na niya ang boses ng batang si Magnus. Mamaya ay naroon na ito sa kusina. “Laro tayo, Kuya! May dog ako!” magiliw na sabi ni Magnus sa abalang si Marcos. “Maglaro kang mag-isa! Nakita mong kumakain ako!” asik nito sa bata. Humaba ang nguso ni Magnus. Umalis na lang ito yakap ang mabalbong aso nitong puting-puti. Nawindang si Hannah. Dahil sa asal na iyon ni Marcos ay nasagot na nito ang tanong niya rito kanina. Mukhang mabigat ang loob nito sa kapatid. He’s a jerk, walang duda. Nang mag-aalmusal na ang mga magulang nito ay siya namang alis ni Marcos. Nagpaalam ito’ng pupunta sa academy para raw e-enroll ang sarili. Inutusan naman siya ni Marco na sundan si Marcos. Mukhang nakatunog ito na hindi pag-e-enroll ang aatupagin ni Marcos. Pagdating niya sa academy ay wala roon si Marcos.  Hindi pa raw ito nagawi roon sabi ng napagtanungan niyang guwardiya. Dumeretso na siya sa mansiyon. Naroon si Marcos kasama ang mga babaeng bampira na nangangalaga sa mga taong nakatira sa safe houses. Hindi na siya magtataka. Magaganda ang mga dalagang bampira at ang iba sa mga ito ay mixed blood na rin katulad niya. Dahil sa guwapo nga’t malakas ang s*x appea ni Marcosl, kanya-kanyang pagpapa-cute naman ang mga babae. Naiinis lang siya bakit nagpunta pa siya roon. Ang sabi ni Marco, exclusive for boys lang ang academy na pinasukan ni Marcos sa Germany, kaya hindi siya magtataka kung bakit mainit sa mata nito ang mga babae. Nainip tuloy niya, nagkakaedad na siya kaya siguro hindi nasisilaw sa kanya si Marcos. Nadagdagan lang ang edad niya pero hindi nagbabago ang hitsura niya. Seventy percent ng dugo niya ay bampira kaya mas mahaba ang buhay niya. Wala pa namang nagsabi na pangit siya. Hindi lang siya pala-ayos sa kanyang sarili kaya siguro hindi siya masyadong napapansin ng mga lalaki. Masyado rin siyang busy kaya siguro naiilang ang mga lalaking lapitan siya. Maliban kay Zack na walang pinipili pagdating sa babae. At ano ba ang ini-expect niya? Marcos known her as his babysitter, nothing else. Hindi na lang nilapitan ni Hannah si Marcos. Kahit dumaan siya sa harapan ng mga ito ay hindi man lang siya nito pinansin. Panay na ang tawa nito habang nakikipagkuwentuhan sa mga babae. Bumalik na lamang siya sa academy at tinulungan sina Charie at Rebecca sa pagbabalot ng mga groceries at mga gamot na ipapamudbod sa mga taong naroon sa safe houses. Naroon ang mga ito sa pabrika. Si Charie ay isang nurse na matagal nang nagsisilbi sa mga tao. Wala itong dugong bampira, pero naging bukas ang isip nito para makiisa sa kanila. Si Rebecca naman ay katulad niyang half-human, half-vampire. Inaruga ito ni Riegen simula bata pa ito. Pinalaki ito ng organisasyon at pinag-aral. Pero mas gusto nitong magpakaalipin sa mga bampira kaysa makipaglaban sa mga masasamang bampira. “Ano ba kayo? Mas masarap tumira rito sa academy, maraming guwapong nilalang,” sabi ni Rebecca, nang usigin niya ito tungkol sa pananatili nito sa Mamba house ni Riegen. Mapusok ito sa lalaki kaya kusa itong lumayo sa pamilya ni Riegen. Mas madalas itong tumambay sa academy. “E kasi takot ka kay Ma’am Melody,” tudyo ni Charie. “Paano kasi, kung makatingin siya parang gusto niya akong lunukin nang buo. Hindi naman kasi ‘yung asawa niya ang sinisipat ko palagi sa tuwing naroon ako sa bahay nila. Si Symon ang gusto kong nakikita,” ani ni Rebecca. “Hala ka! Crush mo si Symon!” napapalakas ang tinig na sabi ni Charie. Lilinga-linga sa paligid si Rebecca, sa takot na baka naroon si Symon o kaya’y ang mommy nito. Pagkuwa’y sinalpakan nito ng hiniwang mansanas ang bibig ni Charie. “Shut up, lady!” asik pa nito. Hindi napigil ni Hannah ang pagtawa. Mamaya ay nasipat na niya si Symon kasama si Rafael. Hindi lamang niya sinabi sa dalawa. Papalapit na ang mga ito sa kanila. “Hindi ko crush si Symon, no! Mahal ko siya!” pasigaw na sabi ni Rebecca. Tumigil sa paghakbang ang dalawang lalaki. Si Charie ay halos lumuwa na ang mga mata pagkakita sa dalawang lalaki. Namula kaaagd ang pisngi nito. Dahil siguro sa presensiya ni Rafael. Hm. She smell something fishy. “Totoo ba ‘yan, Rebecca?” pagkuwa’y apela ni Symon. Napakislot si Rebecca sabay harap kay Symon. Para itong binuhusan ng suka at kaagad na namutla. Naloko na. Hindi kinaya ni Hannah ang senaryong iyon kaya dahan-dahan na siyang sumibat. Baka mabuntal siya ni Rebecca pagkatapos ng shock nito kasi hindi niya ito kinalabit at sinabing naroon si Symon. Pagdating niya sa dirty kitchen ng academy ay nadatnan niya roon si Serron. Ito ang nagluluto ng pagkain ng mga preso. At kapag wala siya ay ito na rin ang nagluluto ng pagkain ng mga estudyante na stay-in roon sa academy. Wala itong assistant. “May pasok po ba mamayang gabi, Sir?” tanong niya rito. “Ang mga senior lang,” turan nito. “Magluluto pa rin ba ako?” “Magluto ka kahit konti. Isang batch lang naman sila.” “Sige po. Mamayang hapon na ako babalik para magluto.” “Siya nga pala, sumama ka sa Mactan para mag-distribute ng mga pagkain sa mga naka-quarantine na mga tao. Sa isang quarantine facility ay may mahigit-kumulang dalawang daan katao ang naka-quarantine. Ang iba sa kanila ay lumalala ang epekto ng virus,” sabi nito. “Opo.” Kapagkuwa’y iniwan na niya ito. Ang mga taong naka-quarantine sa isang isla sa Mactan ay may individual cage para sakaling lamunin ng virus ang katawan ng isa sa mga ito ay hindi na makapagbiktima ng iba. Ang sinomang magiging halimaw ay kaagad na sinusunog. Lulan ng aircraft ay tinatanaw ni Hannah ang malawak na karagatang dinadaanan nila. Though they are not at high risk because of their venom, they need to wear protective gear as part of the protocol. May mga infected kasing tao na biglang nangangagat at ang iba ay naglalaway. Delikado kapag nahawakan ang bagay na napatakan ng laway nila ay maipahid sa sugat. The new strain of the virus was transmitted through saliva. Experts say that the behavior of the virus was possible to change it depends on the climate changes. There is a strain that confirmed as transmitted through the droplet, but it was rare and located in some cold areas. Kaya kailangan ding may balote sila. May mga virus specialist kasi roon na tao. Sumisikip ang dibdib ni Hannah habang pinagmamasdan ang mga taong infected ng virus. Ang iba sa mga ito ay nakagat ng hayop na infected ng virus. Dahil taon o hindi aabot ang epekto ng virus, depende kung saang parte ng katawan ito na nakagat, hindi kaagad namamatay ang mga ito. Depende rin sa lala ng pagakakakagat. Ang virus ay parang rabies ng isang aso, na minsan ay inaabot ng taon bago tuluyang kumalat ang virus sa katawan ng tao. Naalala niya ang kanyang ina, na namatay dahil sa virus na nakuha nito sa isang kagat ng bampira. Dahil ayaw ng kanyang ama na maging bampira ang nanay niya, nagpasya ang tatay niya na ipapatay sa mga alaga nitong tigre ang nanay niya bago pa tuluyang maging bampira. Isang masamang bampira ang kumagat sa nanay niya kaya natitiyak ng tatay niya na hindi rin magiging mabuting bampira kapag nagkataon ang nanay niya. Nalaman niya ang kuwentong iyon dahil kay Dario. Noong malaman ni Dario na ipinamimigay siya ng kanyang ama sa mga salamangkero ay sapilitan siyang kinuha ni Dario. Magmula noon ay hindi na nito alam kung nasaan ang kanyang ama. Dalawang taon siya noong kupkupin siya ni Dario. Inalagaan siya ng mga babaeng alagad nito sa branch ng Sangre Organization sa Spain. Doon siya lumaki hanggang sa makamulatan na niya ang pagsisilbi sa mga matataas na meyembro ng organisasyon. Nadistino siya sa Middle East kung saan niya nakilala si Marco. Naging malapit din siya sa mga tao dahil ilan sa mga alagad ni Dario ay mga tao. Pagkatapos na mapakain nila ang mga pasyente ay bumalik kaagad siya sa academy. Wala na siyang oras para umuwi pa sa bahay ng mga Navas. Habang patungo siya sa kusina ay napahinto siya sa tapat ng defense and tactics gym. Sa malaking pintuan ay may bilog na salaming bintana kung saan nasisilip ang nasa loob. Sumilip siya nang mapansin na may gumagalaw sa loob. Napamulagat siya nang masilip niya roon si Marcos na nakaluklok sa sahig, habang ang mga paa nito ay naka-ekis at nakaipit sa ilalim ng mga hita nito. Nakakuyom ang mga kamay nito habang nakapatong sa magkailang hita nito. Nakapikit ito. May mumunting apoy na nakapalibot dito. Iba na ang suot nitong damit. Itim na jogging pants na at itim na kamesita ang suot nito. Makalipas ang ilang sandali ay unti-unting nagbabago ang anyo nito. Namumula ang balat nito. Ang apoy sa paligid nito ay lumalaki. Bigla itong dumilat. Kumislot siya at napaatras nang pakiramdam niya’y tinamaan siya ng init na nagmumula sa  mapupulang mga mata ni Marcos. Napasinghap siya nang may mabigat na kamay na sumampa sa kanang balikat niya.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD