bc

CURSE OF HARVEY DEMONTAÑO

book_age18+
522
FOLLOW
1.3K
READ
revenge
killer
dark
possessive
tragedy
bxg
mystery
campus
small town
school
like
intro-logo
Blurb

Totoo nga ba ang sumpa? Naniniwala ka ba sa tinatawag nilang sumpa? O sadyang wala talagang sumpa at ito ay kathang isip lamang? Kung walang sumpa sino ang pumapatay? Bakit may namamatay?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1: ST. THERESE COLLEGE
CHAPTER 1. “And the winner is for Miss Saint Therese Simion College is?!” Nanginginig at labis na akong kinakabahan na kulang na lang ay matumba na ako sa aking kinatatayuan. Iyon ay dahil sa dalawa na lang kaming natitira at mukhang matatalo na ako nang dahil sa ang kalaban ko ay sikat dito sa aming paaralang pinapasukan. Halos ang lahat ng mga estudyante ay siya ang nais at gustong manalo. Kung papalarin ako ay tiyak na magiging masaya si Daddy. At hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya oras na malaman niyang natalo naman pala ako dito. Halos taon-taon ay ipinagdiriwang ng paaralan namin ang kanilang anibersaryo. Kaakibat na noon ay ang kanilang mga patimpalak, ang isa dito ay field demonstration, pageant at marami pang iba. May mga ipinatayo rin silang mga booth at stall sa malawak na field kung saan ay pwede ditong kumain ng iba't-ibang uri ng mga street food. “Samantha!” koro at paulit-ulit na sigaw ng mga estudyanteng nanonood at nasa loob ng aming gym, kung saan nagaganap ang lahat. “Samantha!” muli pa nilang malakas na irit. “Irene Buenaflor!” sigaw ng host na siyang naging dahilan upang tumahimik ang paligid, “Congratulations to our new Miss Saint Therese Simion College!” Hindi ko naman akalain na tatawagin ang aking pangalan at tatanghalin na siyang nanalo ngayong taon. May mga iilang pumalakpak at malakas na naghiyawan. Nang tingnan ko sila ay karamihan doon ay aking mga kaklase dito. Maliit lang akong ngumiti sa kanila, hindi pa rin makapaniwala sa nangyari kaya naman hanggang ngayon ako ay nananatiling tulala. “No! Ako ang siyang nanalo!” kapagdaka ay sigaw ni Samantha na nasa harapan ko na. Kaagad na nandilat ang aking mga mata nang mabilis niyang inagaw ang korona na hawak ng dating nanalo at ipapatong na sa ulo ko. “Sam, it's okay, babawi na lang tayo next year,” mahinang alo sa kanya ng kanyang Mommy, marahan siyang hinila nito papunta sa back stage. Umiiyak pa rin si Samantha sa galit. “No, Mom, ako dapat ang nanalo!” sigaw nito na pilit nag-uumalpas sa hawak ng ina, “This is not fair! The judge’s decision is unfair!” Hindi maalis ang aking mga mata sa kanya. Masama ang kanyang mga tingin sa akin. Kung tutuusin ay wala naman akong kasalanan dito, ni hindi ko nga inasahang mananalo ako. At isa pa ay saang banda hindi naging fair ang mga judge? Lumaban din naman ako na kagaya niya na ginawa ang mga makakaya. Pero bakit parang hindi niya pa rin matanggap ang naging pagkatalo niya ngayong taon? Hawak ang bouquet at suot ang korona ay abot-tainga ang mga ngiting kumaway ako sa aking mga kaklase at sa iba pang nanonood. Karangalan na manalo ako dito at kasiyahan na nakasali ako sa patimpalak na kagaya nito. Pagkatapos ko iyong gawin ay sinalubong ako ni Daddy at Mommy sa backstage na ang akala ko ay pupurihin nila ako dahil nanalo, but instead ay pinagalitan pa nila ako dahil dito. “Anong klaseng sagot iyon, Irene? Isang simpleng sagot lang ay muntikan ka pang sumablay,” reklamo kaagad ni Daddy sa harapan ko sa halip na batiin ako. “I am not satisfied with your answer, magpasalamat ka dahil nanalo ka, dahil kung hindi, alam mo na ang mga gagawin ko sa'yo.” Hindi ako umimik, nanatiling nasa mga ibaba ang aking paningin. Hindi maka-level sa kanya. “Lucio, okay lang iyon, at least nanalo pa rin ang ating anak dito,” singit na alo ni Mommy. “Mabuti na lang at hindi dumalo ang lolo at lola niya ngayon, kung nandito sila napahiya lang ako sa mababaw na sagot niyang anak mo.” Napalunok ako sa mga sinabi niya, hindi na sumagot pa dahil kahit na anong gawin ko ay tanging mga mali ko lang ang kanyang mga nakikita. Ang gusto niya ay perpekto ako na kagaya niya, tinitingala at hinahangaan ng iba. “Sorry po, Daddy,” tanging nausal ko dito. Nauna silang umuwi at naiwan ako sa school dahil mayroong iba pang mga activities na gaganapin. Nais ng mga kaklase ko na isama ako sa kanilang paglilibot sa buong campus. “Hey, ayos ka lang ba?” Mabilis akong natigilan nang may tumawag sa akin mula sa aking malayong likuran. “Oo, bakit?” lingon ko sa kanya. “Wala, narinig ko kanina ang mga sinabi sa'yo ng Daddy mo," nakangisi niyang sagot sa akin. Matangkad siya, iyon ang unang napansin ko sa kanya. At saka gwapo rin ito. Ayon sa aking hula ay siguro matanda lang ako ng isang taon sa kanya. Makikita na iyon sa kanyang itsura. “Ah, iyon ba?” tanong ko na nakaramdam ng hiya. “Ayos lang ako, sanay na ako sa gano’n." Saglit na tumitig sa akin ang mga mata nito. “Kung gano’n ay manhid ka na pala,” anitong mahina lang tumawa, siguro ng ay ganun na ako. “Pinapatawag ka sa akin ni Miss Moreen.” “Bakit daw?” nagkibit-balikat ito sa akin. “Nasaan ba siya?” “Nasa faculty room,” kaagad na tugon nito. Mabilis na kumunot ang aking noo, hindi ko alam kung saan ang faculty room nila dito. Hindi pa ako halos nag-iisang linggo dito. “Sorry, bago ka lang ba dito?” Tumango ako sa kanya, “Halika sasamahan na kita doon dahil baka maligaw ka pa,” marahan akong tumango. Tahimik na sinundan ko siya. “Harvey nga pala ang pangalan ko,” tigil niya sa paghakbang at lingon sa akin, “Nice to meet you.” Inilahad niya ang palad para sa shake hands. “Irene, nice to meet you, too.” Inihatid niya ako sa faculty kung saan nandoon ang iba pang mga teacher. Nag-congratulate lang sila at ibinigay na ang cash prize sa akin. “Grabe, hindi ko akalain na isang transferee pa ang mananalo ngayon,” anang ilan sa kanila, “Take note ilang araw pa lang iyan na narito.” Matapos magpasalamat ay iniwan ko na sila, hindi na ako nagtagal doon dahil kailangan kong magbihis. Maglilibot na kami maya-maya. nanatiling kasama ko pa rin si Harvey patungo sa classroom. Nagsabi siya na sasama rin daw mamaya sa gagawin naming mga paglilibot. Malayo pa lang at habang naglalakad sa hallway ay kitang-kita ko na si Samantha, galit na galit pa rin ito at halata sa mga matang ako ang kanyang puntirya. Kasabay ko na ngayong naglalakad si Harvey na kanina ay nasa likod ko pa. Alam niya siguro na si Samantha ay isang warfreak at literal na aagawin niya sa akin ang korona gamit ang kanyang mga palad. “Hoy!” malakas na tawag nito sa akin. Imbis na harapin ko siya ay nilagpasan ko lang, ngunit napalingon ako sa kanya nang hinawakan niya ang isang kamay ko. “Huwag kang bastos!” “Ano pa bang kailangan mo Samantha?!” napupunong tanong ko sa kanya, “Nanalo na ako, tapos na ang naging laban nating dalawa. Hindi mo na makukuha pa sa akin ang korona!” pagalit na sambit ko sa kanya, “Kaya naman pala natalo ka iyon ay nang dahil sa ugali mo. Deserve mo talaga ang matalo, Samantha!" Mahina akong natawa nang mapatakip siya ng bibig nang dahil sa pambabara ko sa kanya. “Whatever, tandaan mo na isinusumpa kita dito sa campus, hindi ka rin naman magtatagal dito!” Hindi ko na siya hinintay na matapos pa sa kanyang mga sasabihin, at tinalikuran ko na siya. Ayoko makipag-away sa mga makikitid ang utak. Ayoko ring makipagdebate sa mga taong nonsense kausap. Dagdag stress sa utak dahil sa toxic. Kapag bago ka dito ay dapat na matapang ka, huwag magpaabuso. Nang makarating kami sa aking silid-aralan ay sinalubong kami dalawa ni Harvey ng mga kaklase namin. Hindi ko sila masyadong ka-close pero sa tulong ng nasabing pageant naging malapit silang lahat kaagad sa akin. “Congrat's Irene!” salit-salitan nilang wika. “Grabe, one day preparation lang iyon, ah?” amaze na saad pa ng isa sabay beso, “Iba ka, sis!” Tumawa ako at tumango lang sa kanya. “Salamat sa inyo.” “Mukhang may bago na namang kaibigan si Harvey,” wika ng isa naming kaklase. Ngumiti lang sa kanila si Harvey, at bago pa kami makaupo sa upuan ay inaya na kaming maglibot ng aming mga kaklase sa field. “Sige tara,” pagsang-ayon namin dito. Nauuna sila at nahuhuli naman kaming dalawa ni Harvey, hindi ko maipaliwanag kung bakit bigla akong naging komportable na sa kanya. “Fishball tayo?” kapagdaka ay yaya niya. “Sige, gutom na rin ako,” pagpayag ko dito. Habang naglalakad ay hindi ko mapigilang punahin ang kanyang itsura. Mula sa mapang-akit nitong dimple hanggang sa mapupula niyang labi. Mapang-akit rin ang pareho ng kanyang mapupungay na mga mata. Hindi rin siya tulad ng mga lalake na nakikita ko dito sa loob ng campus. Iyong iba parang mga adik at ang iba naman ay matapang ngunit kahit pusa ay hindi kayang patayin. Maingay na tinungo namin ang booth sa field.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
97.6K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.4K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
128.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.6K
bc

His Obsession

read
74.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook