***** RUCIA ***** “FIVE? Six? Or Seven?” gigil na tanong ni Jella sa kanya. “Seven!” patili naman na sagot Rucia. “Amerikano? Moreno? O itim?” tanong pa ng kaibigan. “Moreno!” mas malakas na patiling patol niya pa sa kagagahan ni Jella. Kung ano man ang pinag-uusapan nila ay hindi na nila kailangang linawin dahil nagkakaintindihan na sila. Ang ingay nila kahit na sa video call sila nag-uusap. Hindi ulit siya papasok sa bar at parang gayundin si Jella kaya nagkukulitan sila ngayon. Actually ay niyaya siya ni Jella dahil nasa isang café ito. Tinamad lang siya. “Ay pak!” Nagtatawa na si Jella sa kanyang naging sagot. “Grabe ang sarap, sheb. Ang linis at mabango,” tumatawang sabi niya. Muntik na niyang matabig ang mug ng kape na kanyang iniinom. Gabi na. Naghapunan na rin silang dala