***** CARA ***** MAY sinag pa ng araw na pilit pumapasok sa kuwarto kaya alam ni Cara na umaga pa lang nang siya ay naalimpungatan. Iyong orasan na may kalendaryo ang una niyang tinapunan ng tingin. At napabuga siya ng hangin sa bunganga niya nang nakita niyang hindi pa iyon nagbabago. It means she didn’t sleep for long. Kung matagal man ay malamang oras lang ang lumipas at hindi buong araw. And a sweet smile split on her lips when she saw her husband beside her. Nakayakap ang braso ni Evo sa kanyang tiyan habang natutulog. Nakaunan naman siya sa braso nito. “Hon?” sinubukan niyang gisingin ito subalit kay lalim ng tulog yata. Hinayaan na lang niya at pinagsawa na lang niyang titigan ang mukha ng asawa. Mas lumawak ang pagkakangiti niya nang parang batang nagkamot ng pisngi si Evo. At