Umusad na ang kaso, at maraming witness ang inilabas ang kampo ni Welsong Montero. Isa na ang tumatayong witness na si Ginang Betita. Malinaw na naka perma ang pangalan ni Cain Monteverde Montemayor, sa dokumento na magpapatunay na siya ang authorized person na pagpayag na isakay ang mga kargamento sa nasabing barko na pag aari ng company nila. “Talagang hindi titigil ang mga iyon, gagawa at gagawa ng lusot para ibang tao ang managot sa kasalanan nila.” “Cain, nabalitaan ko ang nangyari sa unang pagdinig ng kaso at bakit pati ang pangalan mo ay nadawit sa mga illegal na transaction ni Welson?” “Dahil sa adopted daughter mo Lolo, siya ang naglabas ng dokumento na iyon kaya ngayon under investigation ang buong company.” Napakasama talaga ang dalawang yon, mula pa sa simula ay sila na ang