Nagising si Camilla sa kakaibang kapaligiran, panay linga niya ng madako ang paningin sa gilid ng kwartong kinalalagyan at gano’n na lang ang panlalaki ng kaniyang mga mata. ‘Di yata’t nasa loob siya ng eroplano? At ang kaniyang Anak, ay nasaan ito? Nagmamadaling lumapit sa pintuan at binuksan iyon, lalong nanlaki ang mga mata ng matuklasan na nasa isang malaking pribadong eroplano siya at wala siyang makitang mga tao. Malaki ang hakbang na tinungo ang palabas sa pintuan at doon niya natagpuan ang nagtatawanan na mga kalalakihan. Saka lang niya nakilala ang iba ng lumingon sa kaniya ang mga ito at biglang tumahimik. “Baby! gising ka na pala gusto mo bang kumain? halika at sasamahan kita…” “Cain, bakit ako naririto? at nasaan si Keinzo?” Nilapitan agad niya ang dalaga at kinabahan siya