Ilang linggo ng nawawala si Cherry at malakas ang kutob ni Kuyang na hawak ito ni Cain. “Bakit ba nangyari ang bagay na yan?” “As usual umiiral na naman ang sobrang selos, hindi man lang pinakinggan ang gustong sabihin ni Camilla.” “Pagpasensyahan mo na ang iyong kaibigan at talagang mahirap pigilan pag selos ang nangibabaw.” “Ang inaalala ko ay si Cherry, baka biglang magtanong si Cain ng identity ay siguradong magsasabi ng totoo ang babaeng yon.” “Anong plano mo?” “Pupuntahan ko siya sa mansyon ng kaniyang Lolo, siguradong naroon iyon dahil tumawag si Moneth sa mansyon ni Tito JB ay hindi raw nagpupunta doon si Cain.” Subalit hindi pa man lang nakakatayo sa kinauupuan si Kuyang ng tumunog na ang kaniyang mobile. Dali daling sinilip iyon at napa bilis ang kaniyang pag sagot sa tawa