Chapter 30 "Oh my God talaga?! Biruin mo yun ang liit talaga ng mundo!" Sinenyasan niya si Dana na hinaan nito ang boses nito dahil exagerated ang naging reaksyon nito nang ikwento niya ang di sinasadyang pagtatagpo ng kanilang landas ni Gabriel Hoffman. Ang lalakeng akala niya sa panaginip nalang niya makikita. "Shhh. Hinaan mo ang boses mo Dana" "Ay sorry. Na-carried away lang ako Alime. Nakakagulat naman kasi eh. Sure ka ba talagang si Ex mo yun?" "Oo naman. Hinding hindi ko siya makakalimutan" Pinag patuloy niya ang kanyang pagkain. Lunch break na nila ngayon at kasalukuyan silang kumakain sa canteen ng hotel na para lamang sa mga empleyado. "Gosh! Mamaya nga titignan ko siya--" "Nag check out na siya. Sabi niya kay Ma'am kanina magchecheck out na raw siya ngayon" "Oh emgee!