Chapter 28 Napaupo nalang sa sofa ng room 305 si Alime. Labis parin ang bilis ng pagtibok ng kanyang puso. Hindi niya akalain na mag-kukrus muli ang kanilang landas ni Gabriel Hoffman! Di niya maiwasan isipin ang nakaraan... Ang dahilan kung bakit sila naghiwalay. Flashback Kakarating palang ni Alime sa coffee shop kung saan naghihintay si Mrs.Hoffman. Tinawagan kasi siya nito na nais siya nitong makausap. Kabang kaba siya sa mga oras na iyon. Kabilin bilinan pa nito sakanya na huwag niyang sasabihin kay Gabriel na mag kikita sila. Pumayag naman siya sa gusto ni Mrs.Hoffman . Pagkakita nito sakanya agad itong ngumiti ng isang simpleng ngiti. May lungkot sa mga mata nito at ramdam na ramdam ni Alime iyon "Maupo ka hija.." Dahan dahan siyang umupo sa katapat nitong upuan. "M-Mrs.Ho