~(CHANTAL LANE SY POV)
"Matagal na rin pala no? 5 years?" bigkas nito habang nagmamaneho.
Nanatili akong nakatingin sa daan acting like I didn't hear him.
"Matagal na rin pala noong una kitang nakita pero parang kahapon lang. Malinaw pa rin..."
Saglit kaming kinain ng katahimkan sa loob ng sasakyan.
"Ang dami na pa lang nangyari, hindi ko nakakalimutan. Ang bilis ng panahon..." muling sabi nito.
Hindi ko rin makakalimutan. Paano ko makakalimutan? Tila magandang panaginip at bangungot ang lahat.
I never imagined na kaya kong gawin ang lahat para lang sa pag-ibig. I almost begged for him to just f*****g stay. Hindi ko alam na ganoon ako ka-handang magpaka-tanga just because I could not f*****g lose him.
I never imagined na magugustuhan ko siya. Hindi ko nga alam kung bakit siya. Bakit hindi na lang iba? Busog na busog ako sa mga salitang kinain ko dahil kahit gaano siya ka-gago, siya pa rin ang pinili ng puso kong mahalin.
I did everything for him to stay. I guess that was enough para masabi kong nagkulang ako, pero napunan ko na. It was enough na alam ko ginawa ko lahat, sinubukan ko.
"Na-miss kita..." anito na tila ba galing iyon sa puso niya na noon niya pa gustong bigkasin.
"Bakit?"
"I miss you—"
"Bakit ka bumalik?"
Diretso akong tumingin sa daan. Naramdaman ko ang paglingon nito sa akin.
"Nagsawa kana sa buhay mo ro'n? Nagsawa ka na naman sa babae mo, kaya nandito ka na naman?"
"Sinabi ko sa'yo babalik ako, hindi ba?
"Bumalik ka. Sa kasal ni Russ. Bumalik ka na parang hindi mo ako nakikita. You didn't even bother to consider my feelings. Nandoon ako. You knew I was there but what did you do?"
Hindi ko pa rin maiwasang masaktan at magngalit sa tuwing naalala ko iyon. Gusto kong sabihin rito ang pag sayaw niya sa ibabang babae pero nagsisikip na ang dibdib ko.
Narinig ko ang pagbuntong hininga nito. "Hindi pa ako handa..."
Pumikit ako nang mariin at tumingin sa labas ng bintana. Gusto kong itago ang pag-iinit sa sulok ng mga mata ko.
I could not accept that lame excuse. Nakikita ko lalo kung gaano siya ka-selfish. Hanggang ngayon gusto kong pigilan ang nararamdaman ko. Ayokong sumabog because I don't think he still deserves any of my emotions.
I chose not to say anything. Natapos doon nag conversation naming dalawa.
Ayokong marinig ang boses niya. Ayokong marinig because everything about me still pains me.
"I wanna rest." Iyon lang ang sinabi ko at hindi ako nag-abalang salubungin ang mga mata nito nang makarating sa unit ko.
Sinara ko kaagad ang pinto ng unit dahil ayoko nang marinig pa ang ano mang sasabihin nito.
Umupo ako sa gilid ng bed. Agad kong pinunasan ang mainit na likidong naglakbay sa pinsgi ko. Heto na naman tayo, Chantal Lane.
Gusto kong hayaan ang mga iyon sa pag-agos hindi dahil rito kung hindi dahil sa sarili ko. Naiinis ako sa sarili ko. Naiinis ako sa pagmamahal na nasa loob ng dibdib ko.
Bakit hindi ko makuhang magalit nang tuluyan sa kanya? Bakit kahit gaaano nakakainis, kung gaano ka-unacceptable lahat ng excuses niya, hinahanap pa rin siya ng puso ko? Hinahanap ko pa rin ang sincerity sa boses niya kasi baka pwede ko nang tanggapin ang forgive him because I still wanted him in my lift.
I felt so stupid. Gusto kong tuktukan ang sarili ko.
Naalala ko ang sinabi ng mga ito kanina.
"Try to listen, try to communicate with each other. Iyon lang naman ang kukang sa inyo noon, hindi ba? Hindi natin alam, baka may dahilan..." ani Russ.
"Agree, bal. After niyo mag-usap then tsaka ka mag-decide kung sisipot kana ba talaga sa pre-trial. Tsaka ka mag-decide kung kaya mo na bang bitiwan ang pinagsamahan niyo," ani Hailey at pa-simpleng siniko si Zen.
Bahagya itong ngumiti sa akin. "I know it's hard."
Doon pa lang alam ko na hindi ako nag-iisa sa nararamdaman ko. Alam ko Zen could really understand me.
"It's okay, let yourself ask questions, let your heart ache, bal... it's all part of loving someone. You will heal, just let your heart decide."
Muli kong pinunasan ang luha ako. I had to take him out of my head. I already made plans at hindi na ito kasali pa doon.
I should know na hindi talaga ito nagbago. Hanggang ngayon he was taking me for granted.
Kinabukasan, maaga akong umalis para magpunta sa grocery store. I didn't expect na makikita ko ito sa parking ng tower. Para itong kabuteng sumusulpot na alam kung anong gagawin ko at saan ako pupunta.
Agad kong iniwas ang tingin ko rito nang makita kong ngumiti ito. Ayokong gumawa ng katangahan for the rest of the day and for the rest of my life if possible.
Hindi ko ito pinansin. Pumasok ako sa loob ng sasakyan ko at nagsimulang magmaneho. I could see his car in the rear-view-mirror. Alam kong sinusundan ako nito.
I didn't want to give him attention lalong lalo na makipag-argue. Ayoko rin magsimula ng conversation para lang suwayin ito sa pagsunod sa akin dahil hindi ko rin gustong marinig ang tinig nito.
"Ano ba 'yang mga kinuha mo. Puro frozen foods. Not healthy for you."
Anong alam niya sa healthy? He was also not healthy for me but I still chose him before.
Pagkatapos kong maglagay ng canned foods sa cart ay tinulak ko na rin iyon. Hinila nito ang braso ko nang akmang pupunta ako sa snacks section.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Binawi ko ang braso ko mula rito.
"What is your damn problem?" I asked coldly.
"Halika," Kinuha nito ang cart mula sa akin at kinuha ang kamay ko papunta sa fruit section. Naglagay ito ng mga prutas sa cart ko. "Ano pang gusto mo?" tanong nito habang nakatingin sa akin.
Ano sa tigin niya ang ginagawa niya? I just looked at him for a while.
"Pwede ba? Leave me alone. Alam ko kung anong gusto kong kainin."
"Papadalhan ulit kita ng saging kay Gelo."
Kumunot ang noo ko rito. Kinuha nito ang cart ko at hinila iyon papunta sa vegetable section. Pumili ito ng mga gulay doon.
Sandali akong napapikit.
"Na-miss ko na 'yung paborito kong afritada," anito habang nakangiting nakatingin sa hawak na carrots. Bumaling ito sa akin na may ngiti pa rin sa mga labi. "Pagluto mo ako ha?"
I lost count kung ilang beses ko itong sinabihang iwan ako. He wouldn't listen to me. Akala mo ay wala itong naririnig ang kept on talking.
Obviously he went here para guluhin lang ako at magpaka-food expert na tila alam niya kung anong healthy at hindi para sa akin.
Nakalimutan ko ang mga kailangan kong bilhin because of him. Kahit dumaan na sa kanto papunta sa tower niya ay hindi pa rin ito lumiko at nagpatuloy sa pagsunod sa sasakyan ko pabalik ng tower.
He even managed to help me carry some eco bags na laman ang mga pinamili. Binitbit niya ang mga iyon papunta sa unit ko.
"You have so much time, wala ka bang pinagkakaabalahan?" casual na tanong ko habang inaayos ko ang mga pinamili ko.
"Ah... freelancer ako. I still take pictures." Ramdam ko ang mga mata nitong nakatingin sa akin habang nilalabas ang groceries sa eco bag.
Nagtungo ako sa refrigerator para dalhin doon ang mga binili kong frozen foods.
"No plans of going back to your company?" I asked.
Hindi ito sumagot. Nilagay ko sa chiller ang mga foods pagkatapos ay sinara ko na rin iyon.
"Mataas pa rin ang pride?" Saglit ko lang itong tinapunan ng tingin bago ko ibalik ang tingin sa mga groceries na nasa mesa.
"Plano ko pa lang kausapin si dad tungkol do'n. Hindi ko na gustong bumalik."
"So you want to settle with that life." Dinala ko sa shelves ang mga canned foods.
"Would I finally please you kapag bumalik ako sa company?"
Sandali akong napatigil. Nagpatuloy ako sa pagsalansan ng mga lata.
"You don't have to please me."
Pagkatapos ay ang mga gulay naman ang inayos ko. Hinugasan ko ang mga iyon sa sink.
"Alam mo... kapag nakakuha ako ng magandang litrato... naa-amaze ako sa ganda ng mundo. Matagal pala akong nakulong noon sa opisina. It feels good to see beautiful things. Sa tuwing May bago akong nakikita... naaalala kita. I always think na... gusto kitang isama sa mga lugar na 'yon."
Nagpatuloy ako sa paghugas ng mga gulay sa sink habang ramdam ko pa rin ang mga mata nitong nakatingin sa akin.
"Sa ngayon, mas gusto kong makita 'yung mundo." He paused. "'Yung mundo ko."
Pinihit ko pasara ang gripo at tumingin rito. Kung tingnan niya ang mga mata ko para bang ako lang ang nakita niya sa buong buhay niya. Parang hindi ito nakakita ng babaeng higit na mas maganda na nakuha niyang patulan noon.
"I'm not your world and I can't be your world."
Sandali itong hindi sumagot at nanatiling nakatingin sa mga mata ko.
"'Pwedeng hayaan mo ako? Hayaan mo lang ako..."
"Let you hurt me?"
Nanatili akong nakatingin rito. I hated that I could not even read him.
Ilang sandali naming tiningnan ang isa't isa. Inalis ko rin ang tingin rito dahil nararamdaman ko na naman ang pagkirot ng dibdib ko.
Muli kong inaayos ang mga gulay at dinala ang mga iyon papunta sa refrigerator.
"I can handle everything here. Umuwi kana," I said coldly.
Sandali kong hindi narinig ang tinig nito. But I knew naroon pa rin ito sa likuran ko.
"You know what... sanay na ako sa'yo. Masungit, suplada, hindi mo na ako maitataboy."
"Am I pushing you away?" sarkastikong tanong ko habang patuloy pa rin sa ginagawa.
"Hindi ako mabilis sumuko sa mga bagay na gusto ko. I will wait for you over and over again kahit abutin ako ng madaling araw sa building mo."
Pinili kong hindi ito pansinin because I could not trust his words. Nagsisinungaling na naman siya.
"I guess I can better handle your mood now, babe."
Pakiramdam ko ay tumayo ang mga balahibo ko sa pagtawag nito sa endearment namin noon.
"You're attracting me more with that attitude." Hindi ko alam kung bakit kumakabog ang dibdib ko nang maramdaman ko ang paglapit nito. "I'll see you tomorrow then."
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko nang dumampi ang mga labi nito sa ibabaw ng ulunan ko.
Nagsimulang mag-init ang mga mata ko nang marinig kong sumara ang pinto.
How dare him.
And how dare me... feel that feeling in my chest. Pakiramdam na para bang matagal itong hinahanap at hinintay.
***
A/N: Sorry that I cannot mass release all chapters of the story, I'm still drafting the whole chapters pa. Also please forgive my errors, I did not proofread.
P.S. Don't sell/send/buy soft copies of I Married A Stranger tuktukan ko kayo d'yan.