Chapter 1

2507 Words
~(CHANTAL LANE SY POV) "Lalo kang nagiging blooming, mumsh, anong sikreto?" tanong ni Frein. "Let go the wrong person." I said and took a sip of beer. "Taray!" ani Joko sabay silip sa mukha ko. "Patingin nga kung seryoso?" "Seryoso 'yan mga bakla, wag lang maghuhubad si hubby sa harap niya." ani Hailey. I rolled my eyes at her. Pinagtawanan na naman ako ng mga ito. Hindi na sila nagsawang bwisitin ang araw at gabi ko. "So, ano? Nawala na naman ba?" tanong ni Joko. Hawak ang baso ng alak sa kamay ko, I looked at no certain thing in the club. It's been a month. I actually didn't want to talk about him. Gusto ko na lang siyang kalimutan. Maybe it was better for my health, but honestly, kahit hindi nila ito ipaalala sa akin, I would still think of him. Pati sa isip ko ay bigla na lang itong dumating and I hated that. "Oh, baka earthquake si paps, mamaya darating, magpaparamdam, tapos aalis, tapos babalik, tapos aalis ulit, tapos hindi mo na ulit alam kung kailan darating." Humugot ako ng malalim na hininga. "Actually I'm a fan of that Kara before, ha. Hindi na nga 'yon na isa pala siyang chubet," said Frein. "Anong plano, mumsh? Give up na talaga? The annulment na kayo?" muling tanong ni Joko. "Remember na it's a long process, bal." I know. Pero kung nakaya kong tiisin 'yung sakit sa dibdib ko ng dalawang taon, baka kaya ko rin tiisin ang ilang hearing sa court. I already felt tired. Ilang beses kong sinabi sa sarili ko na hindi ko kayang tapusin, na hindi ko kaya ang process pero sa tuwing nakikita ko siya... nasasaktan ako. Nasasaktan ako sa mga actions niya. Pakiramdam ko nagkakaroon na ng bara ang lalamunan ko. Muli akong tumingin sa ibang direskyon dahil ayokong makita nila ang mga mata ko. "Hay nako, kalimutan natin 'yan! Magpakalasing tayo." Kinuha ni Frein ang hawak kong baso at muli iyong sinalinan ng alak. "Cheers!" Marahan kong dinikit ang baso ko sa mga baso nila. I just needed a few shots. Limang shots ng vodka and whisky were enough for me. Kinuha ko na ang bag ko but Joko gestured me to stop. "Bakla, 30 minutes ka pa lang dito. Let's have fun." "I'm worried about Gabby." "Gets na ng anak mo na tumotoma ka na naman. Tingnan mo na lang sa phone mo kung anong ginagawa niya." I sighed. Kinuha ko nag phone ko mula sa bag ko, tingnan kung anong ginagawa ni Gabby. Kinailangan kong maglagay ng cameras inside my unit because I could not always bring him with me. Everytime na nasa labas ako na hindi ko siya kasama nagwo-worry ako. Thanks god, he was asleep. Kasama na rin ito sa buhay ko. He was my responsibility. Ngayon, isa ito sa nagbibigay sa akin ng happiness at bumubuo sa araw ko. "See, Gabby's fine," said Joko. Muli akong bumuntong hininga. "Come on, girls! Let's dance!" aya ni Frein. "Come on let's go, bal. na-miss ko rin magsayaw no. Let's go." Hailey stood up. It was always fun to be with them. Yeah, I also miss my youth. Naalala ko noong 20's namin, we used to go to clubs, inom, tawanan, kwentuhan. Walang problema sa buhay, bukod sa kung paano uuwi at makapagmaneho. Life was that simple. Zen was in her honeymoon na. I was really happy for her. Pinagdasal ko ang happiness niya, and now alam ko I have nothing to worry about her. Alam ko kung gaano siya kasaya dahil alam ko kung gaano niya rin kagusto ang buong pamilya. Si Hailey, she would always go with us pero madalang itong magtagal. Minsan, she was like observing kung okay ako, at tila lagi niyang kailangan tansyahin kung magtatagal ba siya o hindi, but now I guess I would really get wasted. Nasa lola raw si Jaden. Wala siyang kailangang alagaan. Alam ko, kahit may sarili na silang pamilya and even how many times I would tell them na okay ako they would still worry about me hangga't hindi ako bumubuo ng sarili kong pamilya. Sa totoo lang, naiisip ko na siya ang magkakaroon ng maraming anak sa aming tatlo. I didn't expect na gugustuhin nitong mag-family planning. She said plano na nilang sundan si Jaden this year. "Ay sarreh!" sabi ni Frein na nakahawak sa tiyan ng lalaking sinadya niyang banggain. Napailing na lang ako sa kanila, gawain nila ni Joko ang bumangga ng mga lalaking tipo nila. They even tried to teach me kung paano manlalaki. Nakalimutan yata nilang nag-Masteral kami ng flirting ni Hailey at alam na alam namin kung paano paikutin ang mga lalaki. Ang pinagkaiba lang namin ni Hailey, siya umaabot sa kama at inuumaga sa bahay ng iba. While me, tamang pick up lines lang. "Excuse me," maarteng sabi ni Joko nang may pumalupot sa kanyang babae, mukhang nagulat naman ang babae sa reaksyon niya. "Excuse me," muling anito, this time ay panlalaki na ang boses nito. Akmang hahalikan siya nito pero pilit niyang tinulak ang babae sabay hila sa akin. "May girlfriend na ako, miss." Pinigilan kong tumawa at nginitian ko na lang ang babae just to save his ass. "Oh, sorry," anito at umalis din agad. Napahawak sa dibdib si Joko. "Kaloka, mumsh! Ewww!" Napatawa ako. Nasabi niya na sa parents niya that he was a gay, at first hindi raw natanggal ng mga ito but eventually they accepted him. Ang gusto lang nila, wag na wag magdadamit ng pangbabae si Joko especially in public. Ganoon talaga ang mga business people. They always care about their image. "Hindi niya ba ako naamoy? Tigang?" "Ang gwapo mo naman kasi, baks!" natatawang sabi ni Hailey. "Gwapo rin ang gusto ko noh!" Ilang sandali pa, pagkatapos ng mahabang tugtugan at sayawan sa dance floor, nag-aya na rin silang bumalik sa couch. "So let's have a dare." I groaned. "I'm out." Alam kong lasing na ang mga ito at hindi ko iyon gusto. Kapag may tama na ng alak ay kung ano-ano na ang naiisip gawin ng mga ito. Madalas trouble lang ang napapasukan namin sa iba't ibang kalokohan. "KJ!" sabay-sabay na sigaw nila sa aking lahat. "Kapag hindi ka sumali sa dare namin, magre-resign na kami ni Frein sa kompanya mo!" taas kilay na sabi ni Joko. Napaawang ang mga labi ko. "Seriously? Are you blackmailing me?" "Yes, Ms. Chantal Lane," confident na sagot nito. "Come on, you're heartless." Napatawa si Hailey. "Go na, bal. lagi naman natin 'tong ginagawa dati no." Bumaling ako kay Joko at Frein pagkatapos inumin ang alak sa baso. "Fine, but you to should work hard at flaunt." "Yes, Ms. CEO," maarteng sambit nilang dalawa. Si Hailey ang nauna. Napahawak na ako sa tiyan ko katatawa rito habang pinapakinggan ang recordings ng conversation nila ng isang foreigner. Nagpanggap siyang walang pera at wala siyang pamasahe pauwi. Nakuha niya pang magpanggap na umiiyak. Hindi ko alam na may talent pala ito sa acting. "Oh, bakla, ikaw naman. Kiss mo na 'yung girl na gustong humalik sayo kanina." Napatigil si Joko habang nanlalaki ang mga matang nakatingin kay Hailey. Napatawa kami sa naging reaksyon nito. "Patayin mo na lang ako!" We continued to laugh. He had no choice kung hindi ang gawin ang pinapagawa ni Hailey. We couldn't stop laughing habang pinapakinggan ang conversation nito sa babae na ni-record nito using his phone. Matapos halikan ang babae ay para itong bulateng binuhusan ng asin nang makabalik sa amin. Uminom agad ito ng alak at pinunasan ang mga labi niya. I stopped laughing nang mapunta sa akin ang dare ng mga ito. "Bakla, may nakita kaming papi sa banda do'n." Tinuro ni Frein ang direksyon ng lalaking nakaupo sa counter stool hindi kalayuan mula sa puwesto namin. "Hingin mo 'yung number." Kinikilig na sabi ni Joko. Tumaas ang isang kilay ko. "And our one and only rule, don't tell him na it's a dare. K?" said Frein. "Ang unfair naman ng dare. Makukuha niya agad 'yan no," said Hailey. I glared at her. Minsan gusto ko siyang tanungin if she was still my friend. "Aba, hindi namin pwedeng pahirapan, baka mamaya tambakan kami ng trabaho," ani Joko. Hindi ko alam kung nakailang buntong hininga ako habang papalapit sa lalaki. It's just easy, Chan. Relax. I told myself. It was just that... I wasn't used of flirting anymore. Ilang taon na rin ang lumipas, I just thought I needed a practice. Tumayo ako sa gilid nito. "Hey..." He was about to take a sip of his beer pero nakuha ko ang atensyon nito. Napatingin agad ako sa kulay tsokolateng mga mata nito. "Hey," he greeted back. "Can I get your number?" diretsang tanong ko. Ayoko nang patagalin pa iyon. Gusto ko na rin namang umuwi at matulog. Hindi ko alam kung bakit napatingin ako sa mapupulang mga labi nitong umangat sa isang sulok. Maybe because it looked nice. At least. Nakita ko kung paano bumaba ang mga mata nito mula ulo hanggang paa ko. I suddenly felt so uncomfortable. I was wearing formal clothes dahil galing pa ako ng opisina. Hindi naman revealing a suot ko ngunit kung tingnan ako nito ay halos dumikit na ang mga mata niya sa katawan ko. "I bet you've been staring at me." Tumaas kilay ko sa sinabi nito. "Why would I stare at you?" Lalo itong ngumisi at hindi tinanggal ang mga mata sa akin. What the heck was wrong with this man? "Dahil nagagwapuhan ka sa akin, just like other girls around." I faked a smile. I managed to purse my lips na agad nitong sinundan ng tingin. Ambisyoso. "Just give me your number," muling sabi ko. "I'm sorry, miss, but I don't just give my number to a stranger." Unbelievable. I thought everything would just be easy but this man was messing with me. Ano bang akala niya? I would really call him? For God's sake wala na akong interest sa mga lalaking kagaya niya. "Chantal. That's my name. I guess I'm not a stranger to you anymore." "Give this lady a..." Tumingin ito sa akin like asking kung anong gusto ko, I didn't say anything. "vodka and a smoothie." Bumaling rin ito sa akin nang may ngisi sa mga labi. "Do you already know my name?" Tumaas ang kilay ko. How would I know your name, stupid? "I'll ask if I wanna know." Lalo itong napangisi. "Oh... so you just really want to have a good time." Nanatili lang akong nakatingin rito hanggang sa magbaba ng alak at smoothie ang bartender sa harap ko. He really was trying to flirt with me, itsura pa lang ng mga ngisi nito. Tinaasan nito ang baso sa ere. "Cheers?" Damn. Kailan niya ba planong ibigan sa akin ang number niya? Bumuntong hininga ako at kinuha ahg smoothie. "Cheers" Kinuha nito ang wallet sa bulsa at kumuha ng maliit na papel doon. Inabot niya iyon sa akin pero nang akmang kukuhanin ko na ay agad niya rin iyong nilayo at nilagay sa bulsa ng polo-shirt niya sa gawing dibdib. "Dance with me and we can talk about my number afterwards," nakangisi pa ring anito. The fudge? He was getting into my nerves. Inubos nito ang alak and he stood up. Bahagya akong napatingala. In fairness matangkad ito at mabango. Ilang saglit itong tumingin sa akin bago humakbang papunta sa dance floor. Tumingin ako sa mga bwisit kong kaibigan. Mukhang tuwang tuwang sila sa nangyayari. Sumenyas pa si Joko ng mahabang buhok. Si Hailey at Frein naman ay sumenyas ng kung anong kabastusan. Napairap ako. They really loved to see a show. Binaba ko ang hawak na baso sa counter bago ko sinundan ang lalaki. Hindi pa ako nakakalapit sa kanya nang may kumuha sa braso nito at bigla na lang silang naghalikan sa harap ko. I was used of seeing that in so many clubs that was why I wasn't surprised at all. Napatingin na lang ako sa ibang direskyon. Ilang segundo rin iyon bago ko naisipang umalis pero naramdaman ko ang pagkuha nito sa kamay ko. Sa sobrang bilis ng pangyayari, hapit na nito ang baywang ko at naka-pwesto na ang mga palad ko sa mga balikat nito. Napalunok ako sa lapit ng mukha nito sa mukha ko. Lalo kong nakita ang mga mata nito, ang matangos nitong ilong at mapupula nitong mga labi. I knew I needed to compose myself. Gwapo nga pero naamoy ko ang pagiging babaero nito. "Get off me," I calmly told him. "I guess you love to play," nakangising anito. "I also want that." Ano bang pinagsasabi niya? "Would you please just give me your number?" "Dance. Dance with me." Napalunok ako nang gumalaw ang mga palad nito sa waist ko. "I don't know how to dance," pagsisinungaling ko. He smirked. "If you can't dance here on the dance floor maybe you can dance with my in my bed?" Sinasabi ko na nga ba. Binigyan ko ito nang sarkastikong ngiti. I knew it. Hindi ako nagkamali sa agenda nito. "I told you to get off me, right?" Hindi nawala ang ngisi sa mga labi nito and pulled me closer to him. Still, I remained calm. It was not new to me. Halos pare-parehas lang naman ang lalaki sa loob ng clubs. Iisa lang ang gusto. Kinuha ko ang hawak na baso ng babaeng dumaan. Tinapon ko ang laman no'n sa lalaking nasa harap ko pagkatapos ay binalik ko ang baso sa babaeng nakatayo sa gilid namin na tila hindi alam ang nangyayari dahil sa kalasingan. Napaawang ang mga labi nito. "What did you do?" "Are you blind or numb or both?" taas kilay na sagot ko. "Psh," Disbelief was well written on his face. I turned my back. Hahakbang na sana ako palayo pero may nakalimutan ako. Bumalik ako sa harapan nito. "I forgot to get your number." Kinuha ko iyon sa bulsa ng polo-shirt niya. Tinitigan ko ang mga mata nito bago ako humawak sa mga balikat niya. I leaned closer to him and whispered something on his ear. "I also forgot to say good night." Inangat ko ang tuhod ko para patamaan ang pinagmamalaki niya sa pagitan ng mga hita niya. "Argggh!" Napadaing ito habang nakahawak sa ibaba niya. "What the fuck?" Tinaas ko lang ito ng kilay sabay hakbang palayo full of poise and composure. "Hoy!" tawag pa nito sa akin. Nakabukas sa isang malaking O ang bibig ng mga kaibigan ko na tila surprised at natutuwa sa nakita. There... ganoong ganoon ang mga gusto nilang scene. Hindi na rin masama. Kahit paano... I enjoyed it. Umupo ako sa couch. Nagkatinginan kaming lahat. Kinapa ni Hailey ang bag niya habang hindi inaalis ang tingin sa akin. Inubos ko ang laman na alak ng baso ko bago ako bumilang. "1... 2... 3..." Sabay-sabay kaming tumayo. Hinablot ko lang ang bag ko sa couch at pare-parehas kaming nagmamadaling humakbang palabas ng club. "Hoy babae!" narinig ko pang sigaw ng lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD