Hindi natuloy ni Aqua ang paghikab sana nito, nasa may veranda siya ng kanyang kwarto. Kitang- kita niya kasi si Hiro na pawisa galing yata sa pagja- jogging nito. Napataas ang kilay ni Aqua, noon lang nito nakitang kay ganda pala ng katawan ng binata. Para itong boksingero dahil sa dami ng abs gaya nga ng palaging sinasabi ng kanyang luka-lukang kaibigan, yummy Papa. Napangiwi naman si Aqua sa iniisip nito, bigla tuloy nakadama ito ng pandidiri sa kanyang iniisip. Nauntag naman ang kahimalayan ni Aqua na naglalakbay nang makarinig ito ng sipol. Nanlaki ang mga mat ani Aqua dahil si Hiro pala anf sumipol at nakangising parang asong galit.
“Enjoying the view!” narinig ni Aqua na sinabi ng binata.
Agad namang napairap ang dalaga sabay ingos at umalis na sa may veranda. Parang nasira tuloy ang umaga ni Aqua dahil sa pagkapresko ng kanyang step- brother. Naghilamos na lamang si Aqua saka ito nagpalit ng damit- pambahay at nang maayos n anito ang kanyang sarili ay bumaba na rin ito. Pangatlong araw nang wala ang kanyang Mama at Tito George, kahapon lang nito nalaman na one week pala ang newlywed sa abroad. No choice si Aqua alangan namang sirain niya ang masayang honeymoon ng newlywed baka isipin nila childish ang ugali niya at hindi naaayon sa kanyang edad.
“Hey, Aqua good morning! Care to eat beakfast?” sabi naman ni Adrian.
“Good morning too..sige Kuys!” sagot naman ng dalaga.
Napangisi naman si Adrian.
“Stop calling me Kuys, ang pangit pakinggan.” Ani nito.
“Okay, brother!” kibit- balikat namang tugon ni Aqua.
“Nah…para naman akong missionary niyan!” himutok ni Adrian.
Natawa naman kahit papaano si Aqua.
“Adrian na lang,” sabi ng binata.
“Sige sinabi mo ‘yan, wala ng bawian.” Turan naman ni Aqua.
“Sure naman, halika na sa hapag.” Yakag naman ni Adian sa dalaga.
Masaya namang sumunod si Aqua kay Adrian papunta sa may dining table medyo natigilan pa ang dalaga dahil naroon na sina Hiro at Logan. Agad namang ngumiti si Logan ng makita niya sina Adrian at Aqua na dumating. Habang si Hiro ay patay malisyang tiningnan niya ang dalawa. Tahimik namang umupo ang dalawa sa harap ng mesa habang binigyan sila ng tig- isang plato ng isa sa katulong.
“Thank you,” wika ni Aqua sa katulong saka niya ito nginitian.
“You can try this hotdog, bukod sa masarap nakakabusog pa siya.” Offer ni Logan.
Hinayaan lang ni Aqua na lagyan ni Logan ng hotdog ang kanyang plato.
“Thanks!” maikling sagot ng dalaga.
“Siyempre mas maigi pa rin kapag kasama ni hotdog sina itlog!” wika naman ni Adrian sabay lagay sa plato ni Aqua ng dalaang sunny side up eggs.
Nginitian naman ni Aqua si Adrian bilang pasasalamat nito. Akmang susubo na san si Aqua nang biglang tumikhim si Hiro na kanina pa nakamasid sa tatlo. Kung kaya’t pati sina Adrian at logan ay napatingin sa kanilang kapatid.
“Hindi na bata ‘yan para sabihin niyo kung alin ang dapat niya kainin o hindi. Besides, ang pagkain ng hotdog at itlog ay nakakasama rin sa kalusugan lalo na sa mga bata pang walang alam.” Biglang sabi ni Hiro.
Napaubo tuloy sina Adrian at Logan habang hindi naman naituloy ang pagsubo sana ni Aqua.
“B- Bakit iba yata ang dating sa akin ‘yong sinabi mo bro?” nautal pang tanong ni Adrian kay Hiro.
“Palibhasa kasi adik ka panonood ng po*n kaya kung ano-ano ang naiisip mo!” pairap na tugon ni Hiro.
Natawa naman si Logan.
“Isa ka pa, palibhasa parehas kayong makati,” baling ni Hiro sa binata.
“Bakit nadamay ako? Wala pa akong sinabi ah!” depensa naman ni Logan.
Pinandilatan lang ito ni Hiro saka walang emosyong muling sumubo ng kanyang pagkain. Tumikhim naman si Aqua nang hindi ito makatiis.
“FYI, nakakalaki ng katawan ang itlog samantalang ang hotdog masama nga sa kagaya kong bata pa lalo na at ako ay inosente pa. Pero ang hotdog na inuulam, sa palagay ko ay hindi nakakasama lalo na sa mga batang wala pang alam, katunayan nga ito ang paborito nilang ulam lalo na mga katulad kong laki sa hirap. Ang saya na naming kapag nakabili kami ng hotdog, ang sarap kasi!” saad ng dalaga sabay subo sa malaking hotdog.
“Pero hindi naming afford ang ganitong kalaking hotdog, nakakatakot!” muling sabi ni Aqua sabay nguya.
Nakaawang lamang ang mga bibig nina Adrian at Logan na nakatingin kay Aqua habang napakurap- kurap naman si Hiro at napainom ito ng kanyang kape straight into his stomach.
“next time, huwag niyo na kasi akong ini- spoiled mga Kuya nagagalit si big brother kasi pinapakain niyo ako ng hotdog na may dalawang itlog masama nga naman!” ngiting aso si Aqua.
Bungisngis sina Adrian at Logan, namilipit pa ang mga ito sa pagtawang kanilang pinipigilang makawala nang tuluyan.
“Shut up! Kumain na kayo may mga lakad pa kayo,” inis namang awat ni Hiro sa dalawa nitong kapatid.
Biglang tigil ang dalawa at tanging mga mata lang nila ang siyang nag- uusap.
“Ikaw, finish your food ang dami mong dada tsskkk!” baling naman ni Hiro kay Aqua saka nito sinamaan ng tingin.
Napaismid naman si Aqua nang palihim pero sumubo na lang ito ng kanin sabay kindat kina Adrian at Logan na nakangiti sa kanya. Hindi na nga nag- imikan pa ang apat hanggang sa natapos na silang kumain. Papunta n asana si Aqua sa may Den nang may mga bisig ang siyang humila sa kanya at isinandal siya sa may pader. Pagtingin niya ay si Hiro pala iyon na hindi maipinta ang mukha nito. Nagpumiglas naman si Aqua dahil nakakulong siya sa malaking katawan ng binate habang nakaharang ang mga bisig nito sa magakabilang side ng dalaga.
“Ano ba!” reklamo ni Aqua.
“Ikaw, ang pinaka- ayoko sa lahat ‘yong pabalang kung sumagot lalo na kung seryoso ako at pilosopo ang tugon mo understood?” nagngangalaiting sabi ni Hiro.
Natawa naman si Aqua.
“Sino ba ang nagsimula?” tanong nito.
“Bakit, totoo naman hindi ba? Baka akala mo nakalimutan ko na ang tingin mong pinapantasya ang katawan ko, ano may koneksyon ba ‘yon sa hotdog at itlog na sinabi ko?” nakangising sagot nni Hiro.
Muling natawa si Aqua saka nito pinagmasdan ang katawan ni Hiro at muling tumingin sa mata ng binata.
“Ikaw, pinagpapantasyahan ko? Like duh! Over my dead body, kahit ikaw pa ang matirang lalaki sa buong mundo hindi kita pagpapantasyahan ano?” wika ni Aqua saka nito pinaikot ang kanyang mga mata.
“At bakit papatulan ba kita sa akala mo? Hindi ako pumapatol sa mga may gatas pa sa labi, sakit sa ulo lang ‘yan! Saka, may dahilan ba para patulan kita aber?” Nang- uuyam na turan ni Hiro.
Ngumiti naman si Aqua nang nakakaloka at kampante nitong sinalubong ang mga nagbababagang titig ni Hiro sa kanya.
“Huwag kang mag- alala the feeling is mutual! Hindi rin ako pumapatol sa may amoy ng lupa, iyong papatanda na kaya rest assured Kuya! And one more thing, kahit na may dahilan man if ever para patulan moa ko, no way but thanks I’m sorry agad ang sagot ko kung sakali man., excuse me!” mataray na sagot ni Aqua at nagpadausdos ito pababa para makawala sa hawla ni Hiro.
Pakende- kendang pa ang dalaga habang naglalakad papalayo kay Hiro. Habang si Hiro naman ay nasuntok nito ang hangin dahil sa palagay nito ay naisahan na naman siya ng pilya nilang step-. sister