"You're pretty and young, nakailang boyfriend ka na?" mula sa likuran ni Aqua ay nagsalita si Tamara.
Napahinto naman si Aqua sa ginagawa nitong pagbabawas ng mga brown leaves sa mga tanim na namumulaklak sa may hardin. Gawai na talaga niyang bisitahin ang mga iyon every morning kahit pa hindi niya tanim. Mahilig talaga siya sa mga namumulaklak at namumunga kahit pa mga gulay, in short love niya ang pagtatanim. Noong maliit pa siya ay tinuruan siya ng kanyang Papa kasi may mini garden sila sa likod- bahay. At dinala naman niya ang hilig niyang iyon hanggang sa nagdalaga siya.
"Aminado akong okay ang hitsura ko, pero boyfriend? Wala pa sa aking isipan," sagot ni Aqua nang humarap siya kay Tamara.
Tumaas naman ang isang kilay ni Tamara.
"Come on, huwag na tayong maglokohan. All girls now a days have a boyfriend sa lumang panahon lang iyang sinasabi mo." Nakatawang wika ni Tamara.
Ngumisi naman si Aqua.
"Mahirap ngang paniwalaan pero siguro na- adopt ko pa rin ang sinasabi mong lumang panahon Ate." Aniya na pinaka- diinan pa ang salitang Ate.
Napahalukipkip naman si Tamara.
"Hiro is strict and stand on his ground. Ayaw niya ng pasaway, lahat tumitiklop sa kanya. And, mataas ang standard niya sa isang babae hindi basta- basta iyon magkakagusto sa kung sino- sino lang," wika nito.
Natawa naman si Aqua, gets niya ang pinupunto ni Tamara pero ayaw niyang isipin dahil sumasabog talaga siya. At sana lang ay mali siya ng interpretasyon base sa sinasabi ng dalaga.
"Teka lang ha? Alam kong strict si Kuya Hiro, at talaga namang hindi basta- basta magkakagusto iyon sa kung sino- sino lang kasi nga mayaman sila. Siguro naman walang aagaw sa kanya mula sa'yo, hayaan mo sasabihan kita kapag may lalandi sa jowa mo, Ate." Sabi ni Aqua na pilit pinapakalma ang sarili.
"Mabuti na iyong nagkakalinawan tayo, Aqua. Masama akong kaaway,"
"Wait lang, ako ba ay wina- warningan mo?"
"Hindi naman totally, sinasabi ko lang!"
Tumatango- tango naman si Aqua.
"Ganoon? Hindi ako pumapatol sa mas matanda sa akin eh! Saka, ayoko sa mga mayayaman gusto ko nga Afam para sa ibang bansa niya ako dadalhin. Saka, hinding- hindi basta nagpapaagaw ang isang lalaki kung talagang mahal niya ang isang babae." Medyo may inis na sa boses niya.
"May lahi ka ba?" tanong ni Tamara.
"Wala! Sadya lang maganda ang genes ng parents ko, kaya excuse at may gagawin pa ako." Mabilis na sagot ni Aqua at tinalikuran na niya si Tamara.
Naiwan naman si Tamara na medyo nagngitngit subalit taas noo niyang sinundan ng tingin ang papalayong si Aqua. Ipinangako niya sa kanyang sarili na babantayan niya ang bawat kilos ni Aqua lalo pa't parang iba ang tingin ni Hiro dito kapag nahuhuli niyang nakatitig ang kanyang boyfriend sa dalaga. Kapagkuwan ay umalis na din ito sa hardin at bumalik na siya sa loob ng Mansyon.
"May saltik yata ang bruha na iyon walang tiwala sa boyfriend nito." Inis na bulong ni Aqua sa sarili nito nanh nasa loob na siya ng kanyang kwarto.
Sa inis ni Aqua ay naligo na ito at nagpasyang puntahan si Shiela sa kanilang bahay. Talagang mabuburyong siya kapag nagtagal siya sa Mansyon dahil may tatlong kwago na nga may dumagdag pang isang paniki. Ang kanyang pasensiya ay nasusubok ayaw naman niyang ipakita ang kanyang sungau dahil sampid lamang siya sa Mansyon. Baka sabihan pa siyang bida- bida, palingkera at feelingera. Baka mas lalong ma- triggered ang kanyang kumukulo ng dugo, at ano mang oras ay bubulwak na naman.
Magamond Park.
Imbes na sa bahay nina Shiela pumunta si Aqua ay doon sila nagkita. Ang sabi kasi ni Shiela ay maganda sa Park na iyon maraming nakakawiling tanawin. Parang Tagaytay lang na malamig at maraming mga punong- kahoy. Green na green ang kapiligiran ramdam na ramdam mo ang presence ng kalikasan.
"Maganda pala dito, nakaka- relaks!' wika ni Aqua sabay pikit at ninamnam ang preskong simoy ng hangin.
"Dito kami madalas mag- date ni Jonathan," masayang sagot ni Shiela.
Napangiwi naman si Aqua.
"Kilig naman ang bruha, at tila nagmamayabang pa!"
Napahagalpak naman nang tawa si Shiela.
"Hoy, grabe naman siya! Sabi ko kasi mag- boyfriend ka na rin para maya dagdag sa iyong inspiration."
Aqua rolled her eyes and pout. "No, but thanks!"
"Bakit ba ayaw mo? Baka tatanda kang dalaga niyan," nag- seryoso si Shiela.
"Bata pa ako, Shiela. At kung may similarities sila ni Papa baka puwede pa." Umay namang sagot ni Aqua.
"Kailan naman kaya darating iyon?" muling tanong ni Shiela sabay subo sa mani nitong hawak.
"Ah..basta soon darating din siya." Giit naman ni Aqua.
"Okay!" Wika na lamang ni Shiela.
Saka sila napatingin sa mga masayang bata na naglalaro sa may damuhan. Pero agad namang inilipat ni Aqua ang tingin nito sa kabilang direksyon nang mahagip ng kanyang mga mata ang dalaaang parehang naglalampungan.
"Beshy, ano bang pakiramdam ng naglalampungan in public?" wala sa sariling naitanong ni Aqua.
Gulat naman si Shiela pero napangiti din ito kinalaunan.
"Ano, masaya as in parang kayo lang sa lugar na iyon. Parang sa inyo lang ang lugar na iyon kahit maraming tao," matapat na sagot ni Shiela.
"Hindi ba kayo nahihiya kahit may mga bata?" tanong na naman ni Aqua.
Napakurap-kurap naman si Shiela.
"Aha! May nahagip na naman ang mga mata mo ano? Kilala kita kaya!' bulalas ng dalaga.
"Malamang kaibigan mo ako eh 'di kilala mo ako, para kang sira!" pilosopong tugon ni Aqua.
Natawa naman si Shiela.
"Alam mo hindi mo kasi mapi- feel hangga't hindi ikaw iyong nasa sitwasyon. Marahil sa iba, nakakahiya pero sa iba naman lalo ma sa magkasintahan hindi." Paliwanag nito.
"Iwww, yucks!" nandidiring wika ni Aqua.
"Hala, grabe siya!" tawang- tawang turan ni Shiela.
Sabay naman silang nagkatawanan. At sabay na ding kinain ang kanilang mga dalang pagkain. Bumili sila ng mani, burger at fries siyempre with matching coke in can. Nagdala din si Shiela ng mga prutas habang si Aqua bumili ng picnic cloth at doon sila sumalampak. Nasa Bermuda grass sila at doon sila naglatag kaya kitang- kita nila lahat ng anggulo sa may Park.
"Maiba ako, pansin ko palagi ka ng nag- yaya dito sa labas. Dati, ako pa pumipilit sa'yo na mag- bonding tayo dito sa labas." Wika ni Shiela.
"Alam mo namang iba na ang tirahan ko, at hindi pa ako sanay. Saka, kung dati may tatlong kwago sa Mansyon ngayon may dumagdag na isang paniki kaya ako naburyong at niyaya kitang lumabas." Saad ni Aqua.
"Ano?!" natatawang bulalas ni Shiela.
"Narinig mo naman ang sinabi ko at alam kong hindi ka bingi!" Irap ni Aqua sa kaibigan nito.
"Hindi, natawa lang ako at nagulat. Sino naman itong isang paniki na dumagdag sa mga kwago sa Mansyon aber?" natatawa pa rinf sabi ni Shiela.
"Iyong jowabels ni Hiro. Aba, akala ko pinupuri niya ang aking kagandahan iyon naman pala at ako ay wina- warningan. Akala niya siguro aagawin ko ang haring kwago sa kanya, sorry pero hindi ko siya type jusme!" lumabas na ang inis ni Aqua kay Tamara.
Mas lalong natawa si Shiela.
"Insecure siya sa ganda mo besh kung ganoon!"
"Ewan ko ba sa kanya, hindi ko na iyon kasalanan. Saka, alam ko bang mas angat ang aking kagandahan sa taglay niyang ganda? Sisisihin niya mga gumawa sa kanya at humulma,"
Hagalpak na talaga sa tawa si Shiela, hawak nito ang tiyan at sumakit na dahil sa kakatawa.
"Hoy, ang bad mo talaga! Si Tamara ang tinutukoy mo ano?"
"Aba, eh sino pa nga ba? Gurang na kasi kaya hayun napa- praning na." Inis pa ring sabi ni Aqua.
"Respect to elders," hagikhik naman ni Shiela.
"Don't worry, hindi ko inaway si Manang!" Sagot ni Aqua at sabay na naman silang nagkatawanan.
Ganoon naman silang magkaibigan mabait na medyo bastos at mapanglait pero in silence lang. Subalit kay Aqua ay sadya sa kanya ang prangka kung magsalita lalo na sa taong ayaw niya.
"Hi, Aqua Maine!" ani ng isang tinig sa tabi ng magkaibigan.
Nahinto sina Aqua at Shiela sa kanilang masayang tawanan. Sabay silang tumingin sa nagsalita, si Ford bagong manliligaw ni Aqua. Galing ito sa mayaman ding pamilya, kabilang private school medyo katabi ng public school nina Aqua.
"Hello, Ford!" Si Shiela ang sumagot.
"Can I seat?" tanong ng binata.
"Sure!" Agad namang payag ni Shiela sabay siko kay Aqua na napaismid na naman.
"Hi," napilitan namang wika ni Aqua kay Ford pagka- upo nito.
"I am here with my family and suddenly I saw you two." Paliwanag ng binata.
Tumango - tango naman sina Aqua at Shiela.
"Maganda nga ang ambiance dito," turan ni Aqua.
"Yeah..lalo nang makita kita." Matamis ang ngiting sabi ni Ford.
Agad namang napatikhim si Shiela habang inirapan naman ito ni Aqua.
"Ahm..can I talk to you?" tanong na naman ni Ford.
"Nag- uusap naman na tayo ah! Ano pa bang tawag mo dito?" tugon ni Aqua.
Ford chuckled namula pa nga ang mga punong tainga nito.
"Iyong tayo lang dalawa sana," anito.
Agad namang nagkatinginan sina Aqua at Shiela.
"Ahm..may bibilhin pala ako!" Sabi ni Shiela na biglang tayo.
"Shiela!" babala naman ni Aqua.
Subalit tila walang narinig ang dalaga at patakbo na itong lumayo kina Aqua at Ford . Lihim namang nainis si Aqua sa kaibigan nito at napasimangot pa nga ang dalaga.
"Don't worry, hindi kita liligawan dito. I'm fully aware of what you don't like and you like." Wika ni Ford.
"Saan mo naman nakuha?" tanong ni Aqua.
"Basta," matalinghangang tugon ng binata.
Naisip kaagad ni Aqua si Shiela, kaya mas lalo diyang nainis sa dalaga. At makakatikim talaga siya kapag bumalik ito sa kanilang kinaroroonan.
"Liligawan kita in a formal way, hindi sa kung saan - saan lang. Sana, bigyan mo ako ng pagkakataon." Muling nagsalita si Ford.
"Nabalitaan mo na sigurong praongka akong tao," tahasang sagot ni Aqua.
"Yeah." Tipid namang turan ni Ford.
"Mabuti naman. Kung manliligaw ka tatapatin kita, first wala pa sa aking isipan ang magka- boyfriend. Second, gusto kong makapagtapos sa pag- aaral kaya no to boyfriend. Third, kung may trabaho ka na gora lang sa panliligaw malay mo may chance pero kung umaasa ka lang sa iyong mga magulang better to stop na habang maaga. Fourth, kung kaya mo akong talunin sa academic in school maybe, and Fifth, kung matitiis mo ang ugali ko maybe pa rin malay mo." Saad ni Aqua.
Ford more chuckled.
"May nakakatawa ba sa mga sinabi ko?" magkasalubong ang mga kilay na tanong ni Aqua.
"Nope, it's not that. It's kinda cute when you're talking, ang ganda mong panoorin habang nagsasalita ka." Sagot ng binata.
"Huwag mo akong bolahin," pandidilat ni Aqua kay Ford.
"That's not a lie, I'm telling the truth. So, kapag nagawa ko ba ang lahat ng mga sinabi mo magiging tayo?"
Napakurap-kurap naman si Aqua, dahil first time na may kumasang manliligaw niya sa kanyang mga kondisyones.
"Sure ka ba?" paninigurado pa ni Aqua kay Ford.
"Oo naman! Kaya sagutin mo ang tanong ko," mabilis na tugon ni Ford.
Napatikhim naman si Aqua.
"Depende," aniya.
"Answer it now, because I'm serious!" giit naman ni Ford.
Nag- isip naman saglit si Aqua. At dahil may kumasa sa kanyang standard, hindi naman siguro masama kung papayag na din siya.
"Sige, let's see!" matapang na turan ni Aqua.
Matamis na ngumiti si Ford.
"Okay, may usapan na tayo and this is valid because I record it." Wika nito sabay pakita sa Iphone nito.
Hindi sukat- akalain ni Aqua na smart si Ford, lihim tuloy na natuwan ang dalaga.
"See you around, My sweet Aqua Maine," wika naman ni Ford na nakatayo na pala.
Wala sa sariling tumango si Aqua pero ang isipan nito ay naglalakbay. May lalaki na kaya na swak sa kanyang mga standard sa buhay?