C-13: Sasakalin sa....betlog?

1485 Words
Sa wakas ay nakabalik na ang Mama ni Aqua at Tito George nito galing sa kanilang honeymoon. Sobrang na-miss ni Aqua ang kanyang Mama kaya mahigpit niya itong niyakap. "Marami kaming pasalubong sa'yo anak, lalo na ang Tito mo. Sabi niya ang tagal niyang nangarap na magkaroon ng anak na babae. Kaya alam mo ba mas excited pa siyang bumili ng para sa'yo kaysa sa akin!" Tuwang-tuwang sabi ni Alona. "Pakisabi po, salamat!" Masayang turan ni Aqua saka nito tiningnan ang mga pasalubong na para sa kanya. May mga damit, alahas, pabango, bags at shoes pati sandals. At alam niyang mamahalin ang lahat ng iyon. Parang hindi niya yata kayang isuot at gamitin ang lahat ng iyon. "Hindi ka ba natutuwa anak?" tanong ni Alona nang mapansing tika matamlay ang dalaga. "Natutuwa Mama. Pero, may gusto sana akong tanungin sa inyo." Sagot ni Aqua saka ito nag-angat ng mukha at tumingin sa kanyang Ina. "Ano 'yon?" " 'Ma, kailangan ba talagang lumipat ako ng school? Sayang kasi 'yong nasimulan ko na sa pinapasukan kong unibersidad ngayon." Bumuntonghininga naman si Alona. "Malayo na kasi ang school mo mula dito sa ating tinitirhan. Saka, mas advance sila sa private. Kapag nakapagtapos ka, more opportunity kasi graduate ka aa private school." Paliwanag nito. "Wala po sa kinaganda at kinasikat ng school kung talagang maraming opportunity ang lalapit sa akin Mama. Sayang kasi, saka naroon mga kaibigan ko especially si Shiela." Giit ni Aqua. Masuyo namang hinaplos ni Alona ang makinis na pisngi ni Aqua. "Oo, sayang pero mas advance sila doon sa private anak. Mas marami silang maituturo sa'yo as Nurse student naiintindihan mo naman siguro ang ibig kong sabihin." Anito. Hindi nagsalita si Aqua, alam niya ang pinupunto ng kanyang Mama. Mas advance, mas modern lalo na mga kagamitan sa private school. Pero, mas malaking gastusin for sure dahil puro advance nga mangyayari. "Pero, ang gastusin kasi Mama." Hirit ni Aqua. Ngumiti naman si Alona. "Dati na naming napag-usapan ni George iyan. Graduate naman na si Adrian kaya ikaw na lang ang gagastusan niya. Lahat ng mga anak ng Tito mo, training na sila para mamahala ng kani- kanilang negosyong mana mula sa kanilang Ama." "Hindi kaya nakakahiya?" "Bakit nakakahiya? Asawa na niya ako anak, at itinuturing ka na niyang parang sariling supling. Kaya, hangga't kaya niya anak mag-aral ka tutulungan ko siya para makamit mo ang iyong mga pangarap." Saad pa ni Alona. Wala ng nagawa pa si Aqua kung hindi ang tumango na lang. Kahit yata anong gawin niya hindi na mababago pa ang pasya ng kanyang Mama. Lilisanin na talaga niya ang kanyang minamahal na eskuwelahan sa darating na linggo. Napakalungkot niya, paano siya magsisimula ulit? Paano kung ma- bully siya doon? Pero, hindi naman niya yata papayagang tatapak- tapakan lang siya sa bago nilang papasukang school. Wala sa bokabularyo niya ang magpa-api hangga't nasa tama siya. "Naayos ko na lahat ng transfer record mo, next week papasok ka na sa private school." Mula sa likuran ni Aqua na nagtatanggal ng mga tuyot na dahon ng mga halamang namumulaklak ay nagsalita si Hiro. Nagulat si Aqua sa binata, napapikit pa ng siya. "Puwede ba, mag-entrance ka naman bago magsalita? Nakakamatay ka sa gulat eh ano?" mataray na sagot ni Aqua. "Ikaw pa ang may ganang magalit? Ikaw na nga itong tinutulungan?" "Hindi ako galit sa ginawa mo, nainis lang ako sa biglang sulpot mo muntik na akong atakihim sa puso dahil sa gulat!" Giit ni Aqua. "Ganoon kalalim ng atensyon mo sa ginagawa mo? Hindi mo nararamdaman ang iyong palagid? What if that's a danger? Malamang you're dead as easy as that." "Hello?! Bakit ko pakikiramdaman ang paligid ko when I know it's safe? Saka, hindi ako pababayaan ng guardian angel ko para lang mamatay ng ganoon lamang!" Hiro shrugged his shoulders and rolled his eyes. "I don't want this stupid discussion! I just reminding you about your transferring next week," aniya. "Okay, fine! Thank you kahit nagmamadali ka ng paalisin ako doon sa public school." Sabi naman ni Aqua. "Ganyan, matuto kang magpasalamat you spoiled brat!" Nakangising turan ni Hiro. "What's happening here?" biglang sulpot si Logan na nakabihis. Natahimik naman pareho sina Hiro at Aqua na nagkairapan pa nga. "Tama ba 'yong narinig kong nagbabangayan kayo?" tanong na naman ni Logan. "This spoiled brat is a hard headed, gosh!" inis na wika ni Hiro saka nameywang. "This old brother is so arrogant and cold blooded, gosh!" panggagaya naman ni Aqua na iniba lang nito ang ibang sentence sa sinabi ni Hiro. Biglang tawa naman si Logan. "What's funny?" napipikong tanong ni Hiro. "Grabe! Ganito pala magkaroon ng little sister, sarap asarin tapos ahg Kuya naman madaling mapikon," sabi ni Logan. Isang batok ang kaagad na dumapo sa ulo ni Logan galing kay Hiro. "If we have a little sister, titiyakin kong hindi kagaya niyang matigas ang ulo at mataray. My sister will be very thoughtful to me and proud of me!" mariing wika ni Hiro. "At kung magkakaroon man ako ng older brother magiging best friend ko siya through thick and thin. Iyong malalambing ko siya at masasabi lahat ng aking mga sikreto hindi kagaya ng iba diyan," sagot naman ni Aqua saka umingos at humalukipkip. Natatawa namang pinaglipat- lipat ni Logan ang kanyang tingin sa dalawang nagbabangayan na naman. "Bakit kay Aqua Kuya lumalabas pagka- daldalero mo? Bakit sa amin tipid na tipid mga salita mo?" tanong naman ni Logan kay Hiro. Mabilis namang inirapan ni Hiro si Logan na agad ding nawala ang pilyong ngiti sa labi nito. "Lumakad ka na ungas! Kung ano- ano mga pinagsasabi mong utro ka!" singhal ni Hiro. "Chilax! Time out muna kayong dalawa at walang referree ha? Tulog pa si Adrian, may pupuntahan naman ako. Sina Daddy at Mama Alona maagang umalis ng bahay, okay bye!" banat naman ni Logan at mabilis na nitong iniwan ang dalawa. "Kaya pala ang lakas ng loob mkng awayin ako," baling naman ni Aqua kay Hiro. Natawa naman si Hiro. "Look who's talking, so childish talaga!" Umiiling- iling pang sabi ng binata. "Ikaw ang childish! Araw- araw na lang palagi mong ginagawang big deal sa akin ano bang atraso ko sa'yo ha?" matapang namang sagot ng dalaga. Pinakatitigan naman ni Hiro si Aqua. "Hindi ba't sinabi ko sa'yo noong una palang? I will not let you go easily, trust me! Sabi mo, fine matira ang matiba!" Anito. Tumaas naman ang mga kilay ni Aqua. "Ay, sinabi ko ba iyon? Sorry, nakalimutan ko kasi eh! Sige, akala ko rehearsal pa lang ito totohanan na pala hindi ko kasi ramdam. Okay, bye!" Talak naman ni Aqua saka iniwan si Hiro. Napatiim- bagang namang naiwan si Hiro habang nakakuyom ang kamao nito. Sinundan na lamang niya ng tingin ang papalayong dalaga. "Kakainis! Sarap sakalin ang betlog niyaaaa!" sigaw ni Aqua nang makarating ito sa may fish pond likod ng Mansyon. "Hala, siya sa betlog mo talaga sasakalin? Huwag, may sawang nagbabantay baka magising tuklasin ka!" naroon pala si Bambi nagpapakain ng mga isda. Nakaramdam naman ng hiya si Aqua pero natawa din sa sagot ni Bambi. " 'Di sakalin ko din sawa niya," giit ni Aqua. "Sus, mas lalong magalit ang sawa kapag sinakal mo!" Sagot ulit ni Bambi. "Teka, ibang sawa yata sinasabi mo ah! Yuck, kadiri ka Bambi!" Sabay na nagkatawanan ang dalawa. "Ikaw kaya nauna! Saan ka ba nakakita ng sasakalin pero sa betlog pa?" Wika naman ni Bambi. "Iyon ang lumabas mula sa bibig ko eh! Malay ko bang may makarinig!" Maktol ni Aqua. "Sino bang kaaway mo? Si Senyorito Hiro na naman?" "Sino pa nga ba?" Biglang ismid si Aqua. "Mabait iyon lalo na kapag tulog," biro naman ni Bambi. "Sana nga parati na lang siyang tulog!" Inis namang turan ni Aqua. "Pero, iyong sasakalin mo siya sa betlog? Tiyak, magigising iyon pati na malaki niyang sawa! At baka, matuklaw ka pa niya, siyam na buwan kang may venom sa tiyan." Talak ni Bambi. "Hoy, ang bastos mo Bambi yuckkk!" tili naman ni Aqua. Tawang- tawa naman si Bambi sa reaksyon ni Aqua. Sa sobrang pandidiri ni Aqua ay para itong nakakakain ng maasim sabay dabog palayo mula sa kinaroroonan nila ni Bambi. Mas lalo tuloy natawa si Bambi na animo dinig na dinig na hanggang sa ibang ibayo ang mala- Lucifer nitong halakhak. Pati nga mga isda ay nagkagulo dahil sa halakhak ni Bambi. Napansin naman iyon ng dalaga at agad na inawat ang sariling bibig saka napailing-iling. Kapagkuwan ay napapangiti na naman ito saka tatawang mag- isa. Napakunot- noo naman si Mang Fidel, isang hardinero na nakatanaw kay Bambi sa may hindi kalayuan. Nabahala tuloy ang matanda dahil sa hindi normal na ikinikilos ni Bambi sa mga sandaling iyon. Napaisip ito kung ano na ang nangyayari kay Bambi at ngumingiting mag- isa pagkatapos ay biglang tatawa nang malakas. Kasunod noon ang pagtingin nito sa paligid saka itatakip ang sariling mga kamay sa bibig nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD