Maagang nagising si Yurist at naligo, nagbihis at bumaba. Nakita niya ang kanyang mga magulang na nasa hapagkainan na. "Papa! Mama! Good Morning!" Masayang sabi niya at niyakap niya sila at hinalikan sa mga mukha nito. "Good Morning din, Baby." Bati ng dalawa sa kanya. "How's your day yesterday?" Tanong ng Papa niya at napangiti naman si Yurist bago magsalita. "Okey naman." "Uhmm... Anak, about sa katauhan mo... Nirerespeto namin ang desisyon mo pero marami na ang nagtatanong..." Di na pinatapos ni Yurist ang ina at agad siyang nagsalita. "Mama, don't worry malapit na po, Promise." Sabi nito sa mga magulang. Napangiti nalang ang mga magulang ni Yurist. Alam nila na di may tamang panahon ang lahat. Napagpasyahan na ni Yurist na pumasok na ang kalat na sa boung kampus ang pagligtas

