Yona POV* Dahan dahan akong bumaba habang nakatingin lang sa mga mata niya. Sa mga mata ng mahal ko na si Christ. Hanggang sa inilahad niya ang kamay niya at agad ko naman iyong hinawakan. Narinig ko ang mga palakpakan ng mga tao sa loob. Kaya pala di niya sinagot ang tawag ko sa isipan sa kanya kanina. Plinano pala nila lahat ng ito. "Woah, perfect couple!" "Yeah." "Sila talaga ang nagkatuluyan. Sana all." "Oo nga." Rinig naming sabi ng mga tao. Nahihiyang napa iwas naman ako. Hinatid niya ako papunta sa harapan. "Let's witness the first dance of our Princess and her Prince." Nagulat ako dahil di naman ako marunong sumayaw. Bakit di ako tinuruan nila nako naman. Napatingin ako kay Christ. 'Trust me, My Lady.' Nagulat ako sa sinabi niya sa isipan ko. Ang gulat ay naging ngi

