One of A Kind Nakatulala parin,dahil hindi mawaglit ang mga nangyari kagabi,o kanina. Halos tatlong oras lang naitulog ko dito sa hospital. At tama ako kasi wala na si papa nang ihatid ako dito ni Faustino. "Ava, kumain kana." si inay habang kumakain ng dala kong jolibee. "Ang dami mong dala! Marami kang pera?" Antok akong umayos ng upo sa tabi niya at nag unat. "Oh! s**t!" bigla kong naipagtabi ang mga hita dahil nakalimutan kong kagabi ko,binigay ng tuluyan ang sarili kay Faustino! Padarag ni inay na nilapag ang burger na kinakain at tinapunan ako ng nag aakusang tingin. "Binigay mo?" May bahid ng galit at lungkot ang boses niya. Napakurap kurap ako at napalunok bago umiwas. "Nay-" "Kaya ka maraming pera at pagkain?" akusa nito ulit sakin. May guwang sa aking dibdib dahil w