Chapter Twenty-seven "Si Nicholas ang kauna-unahang lalaki na hinayaan ni Lady A na masama sa isang misyon." Sinulyapan ko si Teri. "Sino ba si Nicholas?" tanong ko rito. "Member ng isang underground group na si Lady A lang ang nakakaalam. Hindi mo ba talaga maalala si Nicholas?" tanong nito sa akin na bahagyang umangat ang kilay. Bahagya akong umiling. Saka dinampot ang baril at tinarget ang apple. Nandito kami sa field. Wala ang ibang girls dahil mga nasa misyon din ang mga ito. "Hindi ko talaga matandaan." Ani ko na bumuntonghininga. "Isa si Nicholas sa nakasabay natin ng misyon sa Russia." "Sa dami ng nakasabay natin sa tingin mo maaalala ko pa?" "Hay, palibhasa kasi wala kang pakialam sa mga taong hindi parte ng buhay mo." Himutok nito. "Ngayon may pakialam na ako. Ak