Sabi nila, walang bagay na permanente rito sa mundo kung hindi ang pagbabago. Sang-ayon siya ro’n. It is in our nature as humans to adapt and change for survival. Kaya naman kahit ilang linggo pa lang ang lumilipas, marami na rin ang nagbago sa kanila. Kung dati ay apat lang sila sa barkadahan, ngayon ay anim na sila na magkakasama sa tropahan na binuo nila sa high school. Kasama na nila sina Maica at Andre na parang aso at pusa magbangayan... noon. Alam niyo kasi, paikut-ikot lang naman ang konsepto ng mundo. Ang tao kasi na ayaw mo ngayon, posibleng gusto mo na bukas. At syempre, 'yon ang nangyari kina Maica at Andre. Nauwi sa ligawan ang mga bangayan, nauwi sa I love you's ang mga sigawan. At tulad ng mga cliché na love stories, sinagot din naman ni Maica si Andre at ngayon ay malapi

