PRINCESS “One week na ah, wala pa rin sya?” takang tanong ni Marlo habang nakatingin sa station ni Maine. “Maaga pa naman, malay mo dadating mamaya. Nasa kanya yung script diba?” patay-malisyang sabi ko. Kahit anong totoo, kanina ko pa rin sya hinahanap. Ewan ko, parang hindi ako kumpleto nung 1 week na wala sya. Syempre hindi ako nagpahalata kay Marlo, ayoko na rin kasing magtanong sya eh. Well, ok naman talaga yung buong week ko, nanood kami ng UAAP and nanalo yung Ateneo, halos mawalan pa nga ako ng boses non eh, pinaalalahanan lang ako nila Marlo and Andy na hindi ko pwedeng imurder yung boses ko dahil may ‘Love Guru’ ako. And kung itatanong nyo naman si JAM, ganun pa rin sya, everyday nagpapadala ng kung anu-ano. In a way, napapangiti naman nya ko kahit nalulungkot ako na wala dit