Chapter 9 KYLA POV Ang nakasimangot na gwapong mukha ni Clyde ang sumalubong kay Kyla pagbukas niya ng pintuan sa kanyang condo unit Napahawak tuloy siya sa tapat ng kanyang dibdib dahil sa pagkagulat Nakatayo kasi ito malapit sa pintuan. "Diyos ko Clyde ginulat mo naman ako!" Ang lakas ng t***k ng kanyang puso. Hindi niya kasi expected na naroon ito ngayon sa loob ng condo unit niya. Kakauwi lang niya mula sa first date nila ni Axelle ng gabing iyon. Hinatid siya ni Axelle hangang sa tapat ng building ng condo unit niya. Nais pa nga siya nitong ihatid sa mismong condo unit niya ngunit tumangi siya. "Where the hell have you been?" Malamig pa sa yelong tanong ni Clyde habang mataman siya nitong tinitignan mula sa kanyang ulo hangang sa kanyang paa. Marahil ay nanibago ito sa itsur