bc

Serie Alfa Dominante 2: Nicollo Palmeiri

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
drama
twisted
bxg
lighthearted
office/work place
secrets
like
intro-logo
Blurb

Sa isip ni Nicollo, kailanman ay hindi naging pabor sa kaniya ang tadhana. Simula noong una pa lamang ay puro kamalasan na ang nangyayari sa kaniya kung kaya't matagal na nitong tinanggap na kailanman ay hindi magiging maayos ang kaniyang buhay. He works as a 'Male Stripper or Performer' in a club to sustain his daily living. He had a girlfriend who broke up with him because of his job and after that, he met Aubery Mei.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Malakas na tugtugan at makukulit na mga ilaw ang bumabalot ngayon sa loob ng Adonis Bar. Isang itong high-class bar na tanging mga mayayaman lamang ang nakakapasok. Mostly, mga babae ang customer ng bar na ito at matatanda. "Nicollo!" pagtawag ng isang lalake at napatingin naman sa kaniya si Nicollo habang nakaupo at hinihintay ang oras ng kaniyang pagpasok sa stage. "Pole dancing ba ang performance mo ngayon o kagaya kahapon?" "Pole dancing," maikling tugon ni Nicollo at tumango naman ang lalake bago kumausap ng isang assistance para sa gagawing Pole dancing perfomance niya. Nicollo Palmeiri is a 26-year old dancer, a male stripper working in a nightclub every weekdays. Sa ganitong trabaho niya binubuhay ang kaniyang sarili. Hindi ito nakapagtapos nang pag-aaral dahil sa financial problem at maagang hinarap ang totoong mundo ng trabaho. Dahil hindi ito nakatapos ng college man lang, subukan man nito na maghanap nang magandang trabaho ay hindi naman siya tinatanggap kung kaya't naging isa na lamang siyang stripper, katawan ang puhanan para kumita ng pera. "Good Evening ladies and gentlemen, for our main show, I know all of you are waiting to see him. Please welcome, our main performer, Nicollo Palmeiri!" pagtawag ng host at malakas naman na nagsigawan ang mga kababaihan habang unti-unting lumalabas sa center stage ang isang pole na gagamitin ni Nicollo. Ang smoke machine sa magkabilang gilid ay naglabas nang makapal na usok no'ng sumampa na sa entabaldo si Nicollo habang nakasuot ng isang black fitted pants at black fitted shirt habang nakasuot din ng itim na sumbrero. Sa suot niyang iyon ay kitang kita nang bawat manonood ang ganda nang katawan ni Nicollo. Lalo pang lumakas ang sigawan nang mag dim ang ilaw sa paligid at tumugtog ang isang sexy dance. "We love you, Nicollo!" sigawan nang mga kababaihan na nanonood nang hinawakan na ng binata ang pole. Sa bawat beat ng tugtog ay siya rin pag-indak ng katawan ni Nicollo. Ang malambot na katawan nito na siyang nakapapagpapasigaw sa mga kababaihan sa oras na igiling na niya ang kaniyang maskuladong katawan. Mahigpit na inihawak ni Nicollo ang kaniyang parehong mga kamay o kung tawagin ay baseball grip sa pole bago nito binuhat ang sarili nitong katawan sa pamamagitan ng lakas nito sa braso. Habang nakataas ang katawan nito sa ere sa tulong nang mahigpit na pagkaka-kapit sa pole ay ginawa na ni Nicollo ang una niyang pole dance move, ang assisted pencil spin nang dahan-dahan. Tatlo hanggang apat na beses niya itong pinaulit-ulit hanggang sa itinigil na niya at inilahad ang kanan niyang kamay sa kaniyang gilid habang ang kaliwang kamay ay nakakapit pa rin sa pole. Kung titignan nang maiigi, seryosong dinadamdam ni Nicollo ang kaniyang ginagawa. Habang tumatagal ang kaniyang pagsasayaw ay siya rin ang pagbabago nang bilis ng tugtog. Mula sa umpisa nitong mabagal ay bumibilis na ito habang tumatagal at nang maabot na ng kanta ang chorus nito ay siya nang simula ng pinakahihintay nang lahat. Mula sa itaas ng stage ay bumagsak ang tubig na animo'y parang ulan, binaba si Nicollo na tuloy lamang sa kaniyang ginagawang pagsasayaw. Nang mabalot na nang tubig ang binata ay hinihingal itong tumingin sa mga manonood habang naka-presenta ang nakaka-akit nitong itsura dahilan para magsigawan ang mga manonood. Sa isang malakas na beat ng kanta, doon na walang habas na pinunit ni Nicollo ang manipi nitong suot na itim na damit. Akala mo'y isang mabangis na hayop sa kagubatan dahil kasabay nito ay ang malakas niyang pagsigaw. "Nicollo!" paulit-ulit na sigaw ng mga manonood. Muli, ay inihawak ni Nicollo ang kaniyang mga kamay sa Pole ngunit sa pagkakataon na ito ay naging agresibo na ang binata. Dahil sa flexible nitong katawan ay naging madali na para kay Nicollo na itaas nang daretso ang kaniyang kanang paa at idinikit ang sakong nito sa Pole o kung tawagin ay back ankle grip samantalang ang isa naman nitong paa ay nakadikit sa ibaba. Matapos noon ay mabilis naman na pumaikit ang binata sa may pole habang wala pa rin tigil ang pagbuhos ng tubig sa kaniyang maskuladong katawan. Isang nakaka-akit na galaw ang ginawa ni Nicollo nang bahagya itong umakyat sa pole at nagpakita nang iba't ibang moves. Mula sa basic inverted na kinakailangan nang sobrang kalakasan at willingness na galaw ng katawan pabaliktad habang mahigpit na nakahawak sa pole at kinakailangan na naka-daretsong nakabukaka ang mga hita sa magkabilang mga gilid ay sunod naman nitong ginawa ang cross knee layback. Halo-halong sigawan ng mga manonood ang maririnig ngayon sa loob ng Adonis Bar dahil sa makapigil hininga na performance ni Nicollo. Kasabay nang kaniyang pagsasayaw, bilang 'male stripper' ay isa-isa na niyang tinatanggal ang natitira pa niyang saplot hanggang sa isang maikling boxer shorts na lang ang naiwan kung saan baka na bakat ang kaniyang kalakihan. Matapos nang performance ay saka pa lang tumigil sa pagbuhos ang tubig mula sa itaas. Magalang namang tinapos ni Nicollo ang kaniyang sayaw sa pamamagitan ng Drama Queen move bago bumaba sa pole at nagbigay galang sa lahat nang mga nanood. Pagka-alis sa stage ay nakangiti naman siyang sinalubong ng may-ari ng Bar na kaniyang pinagta-trabaho-an na si Adonis, ang lalake na tumanggap sa kaniya sa trabaho. "Wala ka pa rin talagang kupas, Nicollo. You made this Bar awesome! I'm glad na rito ka sa akin nag-trabaho," nakangiting wika ni Adonis sabay bigay ng isang dry towel sa binata. "Maraming salamat po, Sir," tugon naman ni Nicollo sabay abot ng dry towel at pinunasan ang sarili. "With that excellent performance, hindi malabo na sumikat ka bilang isang sexy dancer. Mas malaki ang magiging kita mo. Alam mo ba na simula noong nakilala ka na nang mga loyal costumers natin ay laging tumataas ang kita ng Bar? All thanks to you, Nicollo!" "Wala po iyon, Sir. Trabaho ko po ang ginagawa ko." "Anyway, nandiyan nga pala ang girlfriend mong si Lauren. Nasa loob ng dressing room mo. Tutal naman ay tapos na ang performance mo, puwede na kayong umuwi nang maaga. Basta Nicollo, sigurado ka ba na ito lang ang gusto mo? Ayaw mong magpa-table? Aba, sayang ang tip ng mga costumer lalo na at sa nakikita ko ay marami ang gusto kang makasama." Natatawa namang napakamot na lamang si Nicollo ng kaniyang batok bago umiling. "Sir, ayos na ako rito sa pasayaw-sayaw lang. Bukod pa ro'n ayoko naman na magka-galit kaming dalawa ni Lauren." "Kungsabagay, o siya, sige na. Ako na ang bahala rito. Basta kapag nagbago ang isip mo, kausapin mo lang ako, ha?" wika ni Adonis at tumango naman si Nicollo bago nagpaalam na pupuntahan na niya ang girlfriend niyang si Lauren sa dressing room.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

His Obsession

read
75.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
100.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.4K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook